CHAPTER 14:

87 1 0
                                    


WINTER POV:

Pag-alis ni Alice kanina ay may naramdaman naman akong tumabi sakin. Aura pa lang niya alam ko na na si Chief yun.


"If you're here just to hold my hand or anything na pinaplano mo, huwag mo nang ituloy." sabi ko ng hindi siya nililingon.


"Tsk....."


Hinayaan ko na lang siyang naglalakad katabi ko dahil hindi naman siya nang gugulo. Akala ko tapos ko nang malibot tong academy di pa pala. Tapos may mga rooms ng club pala ngayon, ang laki pala talaga ng Academy.


Napalingon naman ako kay Chief na palaging binabangga ang balikat niya sa balikat ko. Napatingin naman ako sa kaniya na halatang nagpipigil ng ngiti. Huminga na lang ako ng malalim bago nagsalita.


"Ano na naman ba?" mahinahon kong sabi.


"Nothing...." sagot niya habang nagpipigil ng ngiti.


"Ngumiti ka na, huwag mo ng pigilan halata naman."


"Huwag na, baka sabihan mo na naman ako ng baliw."


"Ngumiti ka ng natural, hindi yung mukhang psychopath."


Kaya nakita ko naman ang natural niyang ngiti. Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.


Kung kanina ay binabangga niya ang balikat niya sa balikat ko, ngayon ay tinatapik na niya ito. Isa na lang, sisigawan ko talaga tong lalakeng to.


"Ano na naman?"


"Hawakan mo ko." Ano raw? Hawakan? Saan?


"What the heck are you saying?"


"Hawakan mo ko."


"For what?"


"Hawakan mo ako o ako ang hahawak sayo?"


"Hawakan ang ano?!"


"My hand, hold my hand."


"Anong kagaguhan na naman to?"


"So, I don't have a choice but to do it." sabay kuha sa kamay ko. Agad ko naman itong hinila kaya hindi niya nahigpitan ang hawak.


"Teka, teka, let me do it." sabay lahad ng kamay ko. Balak kong I-prank siya, I want to see his reaction.


Alam kong nabigla siya pero hinayaan ko siyang ilagay ang kamay niya sa kamay ko. Tawa ng tawa na ako sa isipan ko dahil sa susunod kong gagawin.


Nung palagay na ang kamay niya ay agad ko itong iniwas kaya kumunot naman ang noo niya.


"Nauto ka naman? Ano ka sinuswerte? Bye Chief, hinding-hindi yun mangyayari." sabay teleport papunta sa tabi ni Claire.


"Waaah! Winter naman huwag ka ngang mangugulat. Halos atakihin ako sa puso dahil sa ginawa mo!" kaya tinawanan lang siya namin.


Humawak ako sa braso niya para hindi ako mahawakan ni Chief. Nagtaka naman si Claire sa ginawa ko kaya sinabi ko sa kaniya ang nangyari kanina.


Tinignan namin si Chief pero nasa likod na namin siya kaya hindi ko na tinuloy. Ramdam ko ang titig niya sakin pero hindi ako tumingin, alam ko naman na may plano tong lalakeng to.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now