CHAPTER 19:

60 1 0
                                    

WINTER'S POV:

Nagsimula na akong magluto ng pagkain namin at nag prepare dito. Pagkatapos ng niluto ko ay nilagay ko na sa lamesa namin, gigisingin ko na sana sila pero nakita kong pababa na sila galing sa kwarto nila.


"Oh? Gigisingin ko pa sana kayo pero mukhang di na kailangan, kain na tayo." sabi ko sa kanila.


Umupo na sila sa pwesto nila tsaka nagsimula ng kumain. Pinagmasdan ko naman ang dalawa, medyo matamlay si Samantha ngayon, may sakit ba siya?


"Matamlay ka ata ngayon Samantha. Hindi ba maayos ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kaniya.


"Puyat yan Winter. May pinanood pa kasi siya." sabi ni Alexis.


"Ano naman ang pinanood mo? Alam mo naman na maaga ka ngayon bakit ka naman nanood nun?" tanong ko.


"Gangster Society, may laban kasi sila kahapon tapos live. Palagi ko namang pinapanood sila dahil ang galing nila, nakakapagtaka lang na wala si Aphrodite, Athena at si Zues pero kahit wala sila nanalo parin. Galing talaga nila." sabi ni Samantha. May laban pala? Nah! It doesn't matter, kaya na yan ng team.


"Sikat pala yan dito?"


"Sikat na sikat, manonood nga sana ako eh pero hindi ko kinaya dahil antok na ako. Baka maraming students ngayon na puyat kakapanood nila." sabi ni Alexis.


"Sinong kalaban ng Heartbreakers?"


"Yung Black Demons, diba palagi lang silang nanghahamon pero hindi talaga sila nanalo? Na alala ko yung laban noon na sinubukan nilang mag cheat pero nabuking sila ng Reyna, ang epic nun. Better luck nextime na lang talaga." sabi ni Samantha. Hindi parin pala sila tumitigil, they really want to be strongest group pero hindi naman nila kami kayang talunin.


"Yeah, sabay pa nga tayong nanood eh. Deserve niya talaga ang title niya bilang Queen of Gangster Society. Alam niya talaga ang motibo ng kalaban. Pero sana nandoon na siya sa Royal Rumble sa susunod na sabado." sabi ni Alexis. Tama nga pala, ofcourse kailangan kompleto kami doon.


"Dalian niyo na diyan, baka ma-late tayo. Samantha, sure kabang papasok ka? Baka matulog ka lang doon."


"Ano ka ba Winter. Sanay naman si Samantha sa mga ganyan. Minsan na rin yang pumasok na walang tulog kaya kaya niya yan."


"Sigi." sagot ko.


Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami sa mga gamit namin tsaka hinintay na matapos ang ginagawa nila. Tapos ng maghugas ng pinggan si Alexis kaya lumabas na kami.


"Ang sexy mo Winter. Sumbong kita kay Kuya Spring." sabi ni Samantha.


"Tumahimik ka na diyan Samantha. May blazer naman akong dala kaya hindi halata." sagot ko tsaka pumasok na sa elevator.


Paglabas namin ay maraming nakatingin sakin. Naka-mask kasi ako tapos nagtataka siguro sila kong bakit hindi ako naka-uniform.


Humiwalay na ako kina Samantha at Alexis dahil hindi naman ako sa room papunta, sa Arena. Habang naglalakad ako may naramdaman akong tumabi sakin.


"Goodmorning Winter." si Alice lang pala.


"Goodmorning rin sayo Alice."


"Ok ka na ba? Baka mahilo ka mamaya, lakas pa naman ang gagamitin." nag-aalalang sabi niya.


"Ano ba ka, hindi madaling mamamatay ang masamang damo. So Ok lang ako, tsaka may gamot naman ako para sa sugat ko."


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now