CHAPTER 8:

125 4 0
                                    


KAIRON POV:

"What do you mean? Anong ginawa mo Irene? Why did you hurt her?" kaya napalingon sila sakin.


"Siya naman ang nagsimula ah? Napakababa naman ng pride kong hayaan ko lang siyang maliitin ako. Pero teka, bakit concern ka?"


"We all know na ikaw ang nagsimula Irene. Siga nga, tell me. Bakit ka lumapit sa table nila at ibuhos sa kaniya ang gatas? Anong ginawa niya sayo para gawin mo yon? Sino ang unang sumampal sa inyong dalawa? Siya ba? Ikaw naman diba dahil natapakan niya ang pride mo. Ayaw mong aminin na mas lamang sya sayo. Tapos sinabihan mo pang, hindi siya mahal ng mga Perez dahil naaawa lang sila sa kanya. Kita mo naman siguro ang galit ng Ate niya ng nakita niya ang ginawa mo. Tapos ang pagtitimpi ng Kuya niya." sabi ni Claire.


"Pano niyo naman nasabi? Wala naman kayo doon."


"Nandoon kami, kitang-kita namin ang simula hanggang huli. Kita nga namin kung pano niya binuhos sa mukha mo ang juice ng kaibigan niya. Kita rin namin na na out of balance ka matapos ka niyang sampalin. Alam rin naman na nahilo ka non. Malakas ba? Tapos hindi ka pa makapagsalita dahil hilong-hilo ka na. Kita naming lahat, may video pa nga ako eh." dagdag ni Claire.


Kaya napatingin naman sa kaniya si Irene. Kita rin sa mata niya ang pagkabigla kaya wala siyang nasabi. May panlaban na sila sakanya.


"Patingin nga Claire. I want to watch it." kaya binigay naman niya sakin ang phone niya. Agad kong pli-nay ang video at pinanood.


Kitang-kita talaga kung paano siya pinuntahan ni Irene. Kitang-kita rin kung pano niya prinotektahan ang kaibigan niya. Kita rin kung pano niya binuhos kay Irene ang juice ng kaibigan niya. Kita rin kong pano niya sinampal si Irene at pano siya sinampal ni Irene.


Kitang-kita ko lahat, so alam na namin na si Irene talaga ang kasalan. Wala naman siyang ginawa eh, prinotektahan niya lang ang kaibigan niya.


"Nandoon kayo? Pero bakit hinayaan niyo lang akong apihin doon?" tanong ni Irene.


"So alam mo na ang feeling ng inaapi diba? Ganyan rin ang nararamdaman ng mga estudyanteng pinahiya mo. Alam mo bang kulang payon? Maraming students ang na-trauma sa ginawa mo. Maghintay ka lang, hindi mag tatagal. Malalaman at malalaman na ito ni Ms. Principal. Hindi naman kami magsusumbong, pero yung bunsong Perez. Hindi nga siya takot sayo kahit alam niyang pamangkin ka ng Principal dito, pano pa kaya sa mga walang kwenta mong blackmail?"


Pagkatapos sabihin ni Claire yun ay tumayo siya at lumabas sa cafeteria. Bahala siya sa buhay niya, nakaka-inis kasi eh.


Sinaktan siya ni Irene at sa mukha pa niya. But she's still the same. Her braveness is one of the reason why I like her.


Palagi ko kasi siyang sinusundan kaya alam kong sino ang naging kaaway niya. She's like an angel in disguise. A beautiful angel, to be exact.


Napangiti naman ako sa naisip ko, alam kong mukha akong baliw pero basta. May chance akong makasama siya o kahit maka-usap man lang. Yung makita mo siyang ngumiti sa harap mo at kahit mahawakan man lang siya.


"I think kailangan na talaga nating dalhin sa Mental si Chief. Nakakatakot na kasi, ngumingiti na lang bigla." sabi ni Kenjie.


"Chief! Umamin ka nga? Ngumingiti ka lang naman kung nakita mo yung babaeng sinasabi mo sakin. Nandito ba siya?" tanong ni Claire kaya ngumiti na naman ako.


"Yeah, she's here."


"Sino? Curious talaga ako. Kung bakit patay na patay ka sa kaniya." sabi ni Kenjie.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon