CHAPTER 90:

36 1 0
                                    

A/n: HAPPY 1.2K READS🥳

---

ROSÉ POV:

Pinanood ko lang si Kairon at Amara na sumasayaw, ewan ko lang kung ano ang nangyari kung bakit di makatingin si Amara sa kaniya. Si Kairon naman ay naglabas lang ng nakakalokong ngiti.


"Ano kayang nangyari sa dalawang yun?" tanong ni Jake kaya tumawa naman ako. Maya-maya ay lumapit sila samin kaya niyakap ko naman si Amara.


"Ok ka lang?" tanong ko sabay hawak sa mukha niya.


"What happened to your lips?" tanong ko kaya nag-iwas naman siya ng tingin. Napatingin naman ako kay Kairon na nagpipigil na ng ngiti. Oh....


"I'm ok Ma...." tumango naman ako.


"Nga pala Tita-Ninang, ilang minuto yung blackout?" tanong ni Kairon.


"Mga 3 minutes rin, why?"


"Medyo matagal rin...." tsaka tumingin kay Winter na sinasamaan siya ng tingin.


"Mas matagal ngayon...." dagdag niya kaya napakunot naman ang noo ko.


"Everyone, sorry about that. Please be seated." sabi ng Host kaya napatingin naman ako sa kaniya na kinakabahan.


"Calm down...." sabi sa kaniya ni Kairon kaya tumango naman siya.


"I hate this feeling...." nagkatinginan naman kami ni Jake.


"Why?" tanong ko.


"Nawawalan ako ng confidence...." tumawa naman ako.


"Umupo na nga kayo doon, kung ano mang result, tatanggapin natin ok?" tumango naman siya tsaka umalis na kasama si Kairon.


"Today is the day para malaman kong sino ang nanalo sa School Festival. The leading School is Mystic Academy with 104 points." nagsinghapan naman yung ibang estudyante.

"Jade Academy with a 77 points."


"Khisfire Academy with a 75 points."


"Broiny Academy with a 63 points."


"Filicy Academy with a 63 points." sabi ng Host kaya nagpalakpakan naman kami. Layo ng lamang namin...


"Before natin malalaman ang last score na madadagdag sa puntos niya, I want to call the School Child Representative na samahan ako dito dahil sila ang kukuha ng trophy." sabi ng Host. Nakita ko naman na tumayo si Amara tsaka pumunta na doon sa harapan, umupo na siya sa upuan at halatang kinakabahan.


"Makikita natin ngayon na kinakabahan yung lima." tumawa naman kami.


"Give me one word about sa nararamdaman niyo ngayon."


"Nervous." sabi ni Asher.


"Stress." sabi ni Ethan.


"Tense." sabi naman ni Kace.


"Uneasy." sabi ni Pearson.


"Cold." sabi ni Amara kaya tumawa naman kami.


"My hand is cold!" dagdag niya kaya tumawa na naman kami. Hinawakan naman yun ni Pearson at nagulat na lang kami ng bigla siyang tumawa.


"She's not lying, her hands are cold." sabi niya kaya tumawa na naman sila.


"Ok. Today sasabihin ko na kung sino ang mananalo. Nasa screen nakalagay ang Academy na mananalo kasabay ang score na nakuha niyo sa last Duel na hindi pinakita ang score. After 1 minute, ipapakita na ang panalo kaya sabay-sabay nating hintayin yun. Our 1 minute start now." napatingin naman kami sa screen.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWo Geschichten leben. Entdecke jetzt