CHAPTER 58:

51 1 0
                                    


WINTER'S POV:

(9:00 PM)

Andito kami sa sala namin ngayon, naglalaro ng whisper challenge. Bibigyan kami ng 5 minutes para hulaan yung word at yung team na pinakamabilis ay mananalo. May mga headphone naman kami. Kasali yung tatlong bata at nakakabilib lang dahil nakukuha rin nila ito.


"Ladies first dapat." sabi ni Kurt.


"Kayo dapat una." sabi naman ni Alexis.


"Bato bato pick na lang. Chief vs Winter." sabi ni Samantha kaya tumango naman ako.


"Sigi yung matatalo sila ang mauuna." sabi ni Chief kaya tumango naman ako. Nagsimula na kaming mag bato bato pick at yung ending ako yung nanalo.


"Balik balik naman yung pattern mo ang daling hulaan." sabi ko kaya tumawa naman sila. Inirapan niya lang ako tsaka sinuot na yung headphone. Tinaas na nila ang kamay nila and meaning handa na sila.

Mory →→ Calvin →→ Kenjie →→ Kurt →→ Kairon →→ Kenneth.

Pinakita ko na kay Mory and word na huhulan nila. Kita ko naman na tumango na siya kaya tinago ko na yung white board na may word doon. Humarap na si Calvin kay Mory nung tinapik nito ang balikat nito.


"Ea-sy Pea-sy!"


"Ano?!"


"Ea-sy Pea-sy!"


"Ah! Easy peasy? Easy peasy! Akala ko ipis-ipis." kaya tumawa naman kami. Saan galing yung ipis-ipis?!


"Ea-sy Pea-sy!" sabi ni Calvin kay Kenjie.


"Ipis-ipis? Gago ano yun?"


"Ea-sy Pea-sy! Ea-sy Pea-sy!?" sigaw ni Calvin kaya tumawa na naman kami.


"Ah! Easy peasy! Gago saan galing yung ipis-ipis?" sabi niya sabay tapik sa balikat ni Kurt.


"Ea-sy Pea-sy! Ea-sy Pea-sy! Kuha mo?!"


"Ano? Bakit antaas?"


"Ea-sy Pea-sy! T*ng*na Kurt umayos ka kung gusto mong manalo!"


"Gago! Antaas!"


"Ea-sy Pea-sy!"


"Ea-sy Pea-sy?"


"T*ng*na Ea-sy Pea-sy!"


"Sakit ng ulo ko sayo letse!" sigaw ni Kurt sabay tapik sa balikat ni Chief.


"Ea-sy Pea-sy! Ea-sy Pea-sy!?"


"Eeasy Peasy? Easy Peasy! Ang talino ko brad!" sabi niya sabay tapik sa balikat ni Kenneth. Gago! Andali nun ah?


"Ea-sy Pea-sy...."


"Egg and cheese?!" gutom ata si Kenneth.


"Ea-sy Pea-sy!"


"Egg and cheese?"


"Gutom ata to si Kenneth eh." sabi ni Alexis kaya tumawa naman kami.


"Ah! Alam ko na!" sabi niya sabay taas ng kamay. May natira silang 1 minute ang 16 seconds, tinanggal na nila ang headphone nila tsaka tinignan si Kenneth.


"The word is....Easy Peasy." kaya tumango naman ako.


"Yes! Ilang oras na lang ang natira?" tanong ni Kenjie.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressOù les histoires vivent. Découvrez maintenant