"Meron pa!" sabi ni Storm.


"🎶🎶Gusto kitang makasama madalas (nang madalas)
'Yung sabay tayong kakain sa labas (sa labas)
Manonood sa mall ng bagong palabas
Aba, mahal na nga siguro kita, 'di na kita crush🎶🎶" naghiyawan na naman sila sa video ng ngumiti na naman si Amara.


"Magpinsan kayo hoy!" sigaw ni Thunder kaya tumawa naman sila.


"Gago! Wala akong balak sa ganyan oi!" sabi ni Amara kaya mas lumakas naman ang tawanan nila.


"Pinsan is just a word bro---Just kidding!" sabi niya nung hinagisan siya ng unan ni Spring.


"Pikon si Tagsibol, hayaan na natin baka sumabog." dagdag niya kaya may unan na naman na lumipad.


"Mukha lang nag jo-joke si Storm pero hindi yun." bulong ni Sandra kaya nabigla naman ako.


"Huh? Seryoso ka?"


"Hmm, matagal na niyang gusto si Winter pero alam naman niya na pinsan lang talaga ang tingin ni Winter sa kaniya." tumango naman ako.


"Alam ba nila?" pero umiling siya.


"Winter, tong sunod na video ay two years ago pa, naglagay ako ng maliit na camera diyan dahil prank naman sana yun pero hindi na lang." sabi ni Cloud kaya tumawa naman kami sa reaksyon nila.


"Ano?! Tapos 2 years pa?!" sabi ni Autumn.


"Gago Cloud, anong kagaguhan to?!" sabi naman ni Amara.


"Sorry na nga eh! Kaya nga panonoorin natin ngayon!" tsaka pli-nay. Pagplay ng video ay una naming nakita ang sala nila na walang tao.


"By the way tatlong araw naka stay ang camera na nilagay ko." sinamaan naman siya ng tingin ng tatlo.


Maya-maya ay biglang sumulpot si Amara tsaka humiga agad sa sofa, ang bata pa ni Amara doon kaya napangiti naman ako. Lumaki nga siyang maganda.


"15 years old pa ata ako diyan." sabi niya kaya ngumiti naman si Jake sa tabi ko.


"Hoy! Anong oras ka na naman natulog kagabi?" boses naman yun ni Spring.


"2...." hinampas naman siya ng unan ni Spring.


"Kuya, ang ganda ng sahig oh?" sabi naman ni Amara kaya nagtawanan naman kami.


"Lutang ka na naman, bahala ka diyan." sabi ni Spring kaya tumawa naman si Amara.


"Bad mood si Tagsibol, sineen ka ata ni Ate Luna no?" tumawa na naman kami.


"Tumahimik ka diyan, kumain ka na dito. Mabulunan ka sana." sabi ni Spring.


"Kawawa~~ sineen lang ~~" tumawa naman si Luna sa tabi niya.


"Ka-chat ko si Ate Luna kahapon! Basta ako ka-chat ni Ate Luna, wala muna siyang Spring nakilala, kawawa ka naman." tumawa naman kami sa reaksyon ni Spring doon. Hinila naman niya yung paa ni Amara kaya ayun nahulog siya sa sofa nila.


"Manang! Si Kuya oh!"


"Spring naman, babae yan hayaan mo na."


"Eh Manang! Siya naman yung nanguna!"


"Hinampas niya ako ng unan Manang!"


"Huwag ka ring namimikon Winter, hayaan mo na yang Kuya mo."


"Opo." sabay nilang sabi.


"Iblock ka sana ni Ate Luna! Isusumbong rin kita kay Dad!" sabi ni Amara tsaka tumayo at humiga na naman sa sofa.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now