SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO

Start from the beginning
                                    

"Everytime na napapagod ako kakahanap sa crystal ay pumupunta ako doon sa puno tsaka hinihintay yung babae. Dahil sa loob ng isang linggo ay parati siyang nandun at nandun rin ako at araw-araw ko rin siyang sinusundan. I didn't thought na magugustuhan ko siya dahil doon sa ginagawa ko, I want to approach her pero nahihiya ako."

"Tatlong araw lang natapos ang mission ko pero hindi agad ako umuwi, dahil hinihintay ko lang siya doon na dadating. Nalaman ko na hindi siya normal na tao nung nakita kong binuhay niya ang namatay na white rose sa gilid. Sa ikaapat na araw ay may naka-away siya, hinagisan siya ng bato at sapol sa ulo niya. Pero kawawa parin yung kaaway niya dahil binugbog niya ng limang beses ata tsaka lumayo."

"Nung matutumba na sana siya ay bumaba na ako sa puno at sinalo agad siya, sinabihan ko naman yung mga kaibigan ng binugbog niya na dalhin yun sa hospital dahil nahimatay. Dinala ko naman siya sa Hospital tsaka tinawagan ang magulang niya tsaka umalis na. Dumadaan lang ako sa room niya para icheck kong gising na ba siya o hindi."

"Nung nakita ko na may pumasok na babae ay umalis na ako, I think nag Summer Class siya. Sa last day ko doon ay hindi ko na siya nakita, hinintay ko siya doon pero wala talaga siya. Tinawagan ko pa si Ms. Principal na mag-e-extend pa ako ng isang araw para lang talaga makita ko siya pero wala parin siya. Umuwi ako na walang gana at nagreport kay Ms. Principal na walang gana."

"Pumunta na ako doon sa cafeteria dahil nandun naman sila tsaka walang gana na tumabi. Nagtataka narin sila kung bakit down na down ako pero hindi ko sila pinansin, until naagaw ng isang babae ang atensyon ko. May feeling ako na siya yun kaya tumingin naman ako sa kaniya at timing rin na lumingon siya sa gawi namin."

"Nagkatinginan naman kami pero naputol lang yun nung binigay na ng tindera ang Chuckie na binili niya tsaka umalis na sa cafeteria. Alam kong siya yun at para masiguro ay lumabas ako at sinadya na kong tumayo doon sa madadaanan niya. Nung makita ko siya ay kunwari nagcecellphone ako tapos aksidente na banggain ko siya tsaka kunwari rin nahulog ang panyo ko."

"Nabitawan niya ang wallet niya kaya kunwari nagsorry ako tsaka umalis at sinadya na iwan yung panyo ko. Gaya ng plano ko ay tinawag niya ako para ibigay yung panyo ko, ngumiti naman ako nung malaman ko na siya nga. Alam kong nawe-weirduhan siya sakin pero wala na akong pake basta alam kong siya yun."

"Kaya simula nung nalaman ko ay palagi ko na siyang inaasar dahil yun lang ang paraan na alam kong papansinin niya ako. Ginagamit ko na rin ang position ko pero ang tibay niya dahil di siya takot." tumawa naman siya.

"For the first time I saw her smile, alam kong natamaan na talaga ako nun lalo na yung tumawa siya. Masakit pag nakita ko siyang umiiyak at nahihirapan, lalo na nung nasampal siya ng Lolo niya sa adoptive family niya. Hindi parin kasi siya tanggap nung time na yun."

"I know she's strong physically but she's weak mentally, sometimes she's sweet but most of the time she's brutal."

"Talaga? What's her name?" niyuko ko na lang ang ulo ko.

"Amara Myrtelle Sanders." tsaka tumingin sa kaniya na may malungkot na ngiti.

"Ow...." nag-iwas naman ako ng tingin.

"Bakit siya pa?" tumawa naman ako, tumawa na lang ako kahit nasasaktan na ako.

"You can't blame me...." kita ko naman ang pagyukom ng kamao niya.

"Ipaubaya mo na siya sakin, dahil sating dalawa, ako lang ang maalagaan siya." humarap naman siya sakin tsaka hinawakan ang kwelyo ng damit ko.

"Hindi porket pinsan kita, ipapaubaya ko na siya ng ganun-ganun lang." at kita kong galit talaga siya.

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now