"Edi pagselosin mo rin ang Ate ko." hinampas ko naman siya ng mahina.


"Hindi ako seloso Cal, unlike the two of you." sumimangot naman yung dalawa.


"Sakin rin naman bagsak mo kaya di na kailangang magselos." tumawa naman sila.


"Nice one!" sabi ni Mom sabay hampas sakin.


"Ate, bumalik na ba ang power mo? Yung main mo?"


"Yeah, bumalik na. Why?"


"Wala lang." tsaka lumapit doon kay Amory. Nagulat na lang ako ng niyakap ako ni Lily kaya napangiti naman ako.


"Huwag ka ng nakasimangot diyan, ganyan talaga si Calvin. Nakakapikon lang minsan." sabay gulo sa buhok niya.


"Hoy, andito ako Lily oh, andito." sabi naman ni Chief sabay turo sa sarili niya.


"Syempre si Ate Winter muna bago ikaw." tumawa naman ang magulang niya.


"Ayoko na sayo." sabi ni Chief kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.


"Kahit kailan talaga pinapatulan mo yung bata."


"Nakaka-bwisit rin kaya sila, lalo na yung Channie na yun." tumawa naman si Mom.


"Pag di kayo bati, edi di mo ko maliligawan sigi ka!" nanlaki naman ang mata niya.


"Bukod sa mga magulang ko, sa gang, sa kapatid ko, dadaan ka pa kay Channie."


"Weh?"


"Itanong mo kay Mom."


"Totoo po ba Tita?"


"Sadly yes, close rin kasi sila ni Winter. Wala kasi yung kapatid kaya minsan si Winter ang kalaro nun."


"Kaya naman yan ng anak ko, diba nak?" sabi ni Tito Ronny.


"Upakan ko yung batang yun eh." bulong niya kaya hinampas naman siya ng Mama niya.


"Umayos ka diyan Kai ah? Ikaw yung matanda na kaya ikaw yung umintindi." pasekreto naman akong natawa.


"Goodafternoon Everyone!" sabi ni Host Koa kaya nagkatinginan naman kaming dalawa.


"Balik na ako dun." tsaka umalis na kasama si Chief.


"We all know na ito na yung last game ng School Festival bago ang party. But before we start our last game, panoorin muna natin yung highlights sa ibang laro." sabi naman ni Host Cathan. Maya-maya ay napatingin kami doon sa malaking monitor nung pinalabas na yung highlights doon.


Una ay yung 400m Relay ng mga babae. Pinanood ko lang kong gano kabilis ang takbo ng mga kasama ko. Nung time ko na ay dun ko lang nakita na ang bilis ko palang tumakbo. Kita ko rin kung pano nalampasan ni Iris si Audree. Sa time naman ng mga lalake ay tawang-tawa kami sa reaction ni Alexis dahil sa sinigaw niya nung time na ni Kenjie na tumakbo.


"Sana all, Go babe...." sabi ni Kurt. Nagpaparinig ata to eh.


Sa Archery naman ay yung dalawang lense na nasira ko, pati na rin si Audree. Napa-wow naman yung ibang students, so pinakita ko naman yung victory smile ko.


Sa larong Pubg ay naka-focus yun sa laro ni Pearson. Tawang-tawa lang rin ako ng makita kong parehas pala kaming nagtatago dalawa. Nakita ko rin kung pano ko siya hinabol tsaka ginamit and knife ko.


Sa Basketball naman, ay yung players na may sunod-sunod na 3 point and also yung paghubad ni Pearson sa damit niya kaya umingay naman dito. Syempre andun rin si Chief, kasali kasi siya doon sa mga players na sunod-sunod ang 3 points.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now