"Kairon, Winter, pasok kayo."


"Thank you Ms. Garcia...." sabi namin ni Winter tsaka pumasok na.


"Sina Mama?"


"Nagbibihis pa sila ng Papa mo." tumango naman kami.


"Ok kana? Balita ko malala ang nakuhang mga pasa mo kanina?"


"Ok na ok po, Nicole heal me." sabay ngiti.


"Jake, andito na ba sina Amara at Kai?---Andito na, rinig ko na ang boses ni Amara." napatingin naman kami dun.


"Lalabas muna ako, titignan ko lang ang anak natin kong ok ba ang sout nun. Bakit ba kasi na namana niya sayo ang pagiging Man-magnet.---Kasalanan ko pa?---Tsk...."


"Mukhang pinagsisihan nila na ako yung anak nila." tumawa naman kami.


"Tsaka hayaan muna siya, hindi siya mahilig sa medyo revealing.---hindi daw, pero kita yung collarbone." napatingin naman si Winter sa collarbone niya.


"Magbibihis na ba ako?" natawa na naman kami dito.


"Ayos lang naman ang sout mo Winter." sabi ni Ms. Flores kaya tumango naman ako.


"Tapos ikaw magpapakita rin?---Anong magpapakita?---Magdala ka ng coat.---Malamang, magagalit ka na naman.---Dalian mo na diyan, naghihintay na ang prinsesa natin.---Hindi na naman ba sasama si Calvin?---Hindi, pero sasanayin na natin yan pag dating niya sa Grade 7, tamang tama baka si Winter na ang hahawak sa Academy."


"A-ako?" turo ni Winter sa sarili niya.


"Aabot siya diyan pero hangga't kaya ko pa, ako muna. Importante rin ang Academy sakin." napahinga naman ng maluwag si Winter.


"Andito na nga yung dal---Ano yang suot mo?" sabi ni Tito kay Winter kaya pasekreto naman akong natawa.


"Sabi ko nga magbibihis ako...." bulong ni Winter sabay tayo.


"Just kidding, umupo ka na diyan." sabi ni Tito sabay tawa kaya bumalik na si Winter sa tabi ko.


"Oh? Ano? Ayos naman ang sout niya ah?" sabi ni Tita-Ninang na kakalabas lang sa kwarto nila.


"Kahit Teacher si Papa and Principal si Mama ay magkatabi parin sila sa iisang kwarto?" bulong niya sakin kaya tumawa naman ako.


"Tayo nga na estudyante pa magkatabi nga tayo minsan matulog."


"Oo nga naman...."


"Nagkatabi na kayo?" tanong ni Ms. Flores kaya tumango naman kami.


"Yes. I think yun yung time na lasing si Kai-kai." sabi ni Tita-Ninang.


"Tita-Ninang naman, huwag yung Kai-kai...." tumawa naman si Winter dito sa tabi ko.


"Diba ganun rin si Ms. Rosé at Mr. Jake noon nung nag aaral pa sila dito? Si Ms. Rosé ang nagaalaga kay Mr. Jake pag lasing? Tapos nagkatuluyan?" sabi ni Ms. Garcia kay Ms. Flores tsaka sabay tingin samin.


"Seryoso Ma?" tumango naman si Tita-Ninang.


"Baka magkatuluyan rin kayo. Right Amara?" sabi ni Tito sabay tingin kay Winter.


"L-luh?" sabay iwas ng tingin.


"Inaasar mo rin anak mo eh, hayaan mo nga yan."


"Ang cute niya kasing mahiya, right Kairon." nag-iwas naman ako ng tingin sabay ngiti.


"Ang cute nilang dalawa." sabi ni Ms. Flores kaya pinigilan ko na ang ngiti ko ngayon.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon