Habang nanonood ako ay nahihirapan na naman akong huminga, kanina ko lang tong umaga nararanasan pero hindi ko sinabi kina Mama baka hindi nila ako pasalihin dito. Kahit nga sila ay hindi ko sinabihan. Hinayaan ko na lang dahil mga 1 minute ay mawawala rin naman. Gaya ngayon ay nawawala na kaya nakahinga na ako ng maayos ngayon.


"Winter ikaw na." ako na?


"Tatayo na." grabe hindi pala 1 minute....


"Tsk, this is easy." kaya napalingon naman ako doon.


"Let's see." sabi ko kay Audree kaya tinaasan naman niya ako ng kilay.


"Hindi porket binigyan mo kami ng towel magiging mabait na ako sayo."


"Don't assume bitch, hindi ko yun binigay dahil sainyo. Do you think mag so-sorry ako pagkatapos ng nangyari sa pinsan ko? Tsaka wala akong pake sa inyo dahil in the first place, talo naman talaga kayo." sabi ko sabay tira ng ikalawang arrow. Pinanood ko lang siya na ni-release ang last arrow niya and she also broke the lense.


"See that?" sabi niya sabay ngiti sakin. Sinira ko na lang rin yung lense kaya umingay na naman ang Gymnasium.


"And you also see that, and sorry your journey ends here. Lamang kami ng 2 points Ms. 3rd placer." sabi ko kaya napatingin naman siya doon sa scoreboard.


"No way...." bulong niya.


"Yes way...." sabi ko sabay ngisi.


"That girl already broke 2 lense, huwag niyo ng lagyan ang target board nila baka maubusan tayo ng lense. By the way, welcome to championship Mystic Academy." sabi ni Host Koa kaya naghiyawan naman sila.


"Now is the championship. Jade vs Mystic Academy. Dito natin malalaman kung sinong school ang asintado ngayon. Mystic? O Jade? Malalaman natin ngayon. Sinong mananalo sa magkakaibigan na to." kaya natawa naman ako. Bumalik na muna ako sa upuan ko dahil si Nicole pa ngayon.


"Claire sino yung nanalo kanina sa 3rd place?"


"Khisfire Academy. Winter, aminin mo nga. Ano bang nangyayari sayo? Kanina lang kita nakikitang nahihirapang huminga."


"Wala lang yun Claire, hayaan mo na yun." sabi ko sabay ngiti.


"Alam kong seryoso yun. Huwag mong itago yun please."


"Ok lang talaga ako Claire." sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.


"Talaga?"


"Oo nga, sigi na. Tapos na si Nicole." kaya tumayo naman siya. Ngumiti muna si Claire kay Katelynn at ngumiti rin naman si Katelynn sa kaniya.


Hindi nagtagal ay natapos na sila at pati na rin si Samantha kaya ako na naman ang lalaban ngayon. Nagkatinginan naman kami ni Iris tsaka sabay na tumawa.


"So magtatawanan lang kayo diyan?" tanong ni Host Cathan kaya tumawa na naman kami. Nagsimula na kaming tumira at sa ikatlong tira ko ay nahirapan na naman akong huminga kaya nahirapan akong itutok sa gitna.


"Are you OK?" tanong Iris kaya tumango naman ako. Nabitawan ko na yung arrow at alam kong hindi yun sapul sa gitna. Muntikan na akong matumba sa sahig kung hindi ako tinulungan ni Iris.


"Ok ka lang ba talaga?"


"O-ok lang a-ako." sabi ko habang hinahabol ang hininga ko. Tumayo na ako ng maayos tsaka hinarap siya.


"Congrats." sabi ko sabay ngiti.


"Thank you." sabi niya kaya niyakap ko naman siya.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon