"Ate doon ako, baka andun si Yukio." kaya tumango naman ako. Halos isang oras na kaming naghahanap kay Yukio pero hindi parin namin siya nakikita.


"My god, Yukio. Where are you?" bulong ko. Maya-maya ay may nararamdaman akong malakas na enerhiya and it's like that energy is telling me to go near it.


"Cal, wala ka bang nararamdaman? Na something malakas na energy galing doon?"


"Hindi naman Ate...." kaya tumango naman ako. Impossibleng wala siyang naramdaman nun?!


"So weird...." tsaka tinawagan si Chief.


"Winter? Bakit?"


"Puntahan mo nga ako dito, I feel something weird about this area. I ask Calvin kong nararamdaman ba niya yun but he said no. Weird right?"


"Ok, isasama ko na lang sila. By the way, any news about Yukio? Wala siya dito."


"Wala pa. I'll wait you here." sabay baba sa tawag. Sabay naman kaming napalingon ni Calvin sa area na yun ng may narinig kaming tahol. Humawak si Calvin sa kamay ko tsaka sabay na naglakad papunta don.


Pagpasok namin doon ay si Yukio agad ang nakita ko kaya lumapit naman ako at binuhat siya.


"Ate...."


"Bakit Calvin?"


"May umiilaw sa bandang dun...." turo niya sa isang area na puno ng mga damo.


"Ngayon ko lang napuntahan ah, nakapasok ka na ba dito Cal?"


"Hindi rin, nabigla nga ako eh dahil hindi ko alam na may ganitong area pala dito eh doon naman kami nalalaro noon." Oo nga naman....


"Here, hawakan mo muna tong si Yukio. Pupuntahan ko yun, may something sa damong yun. Diyan ka lang huwag kang lalapit sakin pag hindi ko sinasabi."


"Ate...."


"Don't worry, hindi kita iiwan. Mag-iingat ako promise...." kaya tumango naman siya. Naglakad naman ako papalapit doon at habang palapit ako doon ay palakas ng palakas ang enerhiya na nararamdaman ko. Hinihigop rin ng katawan ko ang enerhiya na nararamdaman ko at feeling ko ang lakas ko, parang nawala lahat ng stress na nararamdaman ko kanina.


"Refreshing...." bulong ko. Inalis ko na yung damo na nakatakip sa isang bato, medyo marami ang damo kaya natagalan akong alisin yun lahat.


"Found you...." sabi ko. Isa lang naman ang nakikita ko ngayon.


"Ate...."


"Yes Calvin, ito na yung hinahanap natin." sabi ko. Nakita ko na yung espada na malalim na nakatarak sa isang bato. Medyo umiilaw ito at ang ganda talaga. Mas maganda pa sa inaakala ko. Pagkahawak na pagkahawak ko nun ay feeling ko ang lakas lakas ko. Nakakagaan sa pakiramdam nung hawakan ko tong espada na to. Feeling ko nasa isang mahangin na lugar ako tsaka isang preskong hangin ang tumatama sa mukha ko. Ansarap!


"Ate...." hinila ko na yung espada tsaka humarap kay Calvin. Kita ko ang takot sa mata niya kaya napakunot naman ang noo ko.


"Cal?" pero patuloy parin siyang umaatras sakin.


"A-ate yung m-mata mo...." sabi niya. Ano daw?


"Anong nangya---ARGHH!!" hindi ko natuloy ang sinabi ko ng biglang sumakit ang pulsuhan ko kung saan andun ang espada na hawak ko. Feeling ko, mapuputol ang pulsuhan ko sa sobrang sakit.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now