"Nagkikita parin kayo? Hindi ka ba galit sa kanila dahil inabandona ka nila?"


"They didn't, namatay sila sa ambush at yung kapatid ko ngayon ay akala ko namatay rin pero hindi pala. 4 months ago ay nalaman ko na nasa bahay siya nila Katelynn at ginawang katulong." sabi niya kaya nabigla naman ako.


"T-talaga?!"


"Yeah, may mga pasa at sugat rin. Nung time na kukunin ko na siya ay hindi raw ibibigay ng Mama niya ang kapatid ko kung hindi ako nagbayad. Kaya binigyan ko sila ng 500,000." sabi niya kaya napa-iling naman ako.


"Arrange lang kasi ang magulang niya kaya siguro ganun ang ugali ng pinsan ko. Arrange rin naman sina Mama at Papa pero minahal naman nila ang isa't-isa." sabi ko sabay tingin sa paligid. Simple lang tong Academy namin pero maganda rin naman.


"Babalik na kayo bukas diba?"


"Yeah...." kaya ngumiti na lang ako ng malungkot.


"Malungkot ka ata...."


"Hindi ah...."


"I'm leaving, dapat masaya ka?"


"Hindi naman ako ganun...."


"Alam ko pero bakit nga?"


"Kahit na nag-away tayo nung Monday ay kaibigan na ang turing ko sayo." sabi ko kaya napatingin naman siya sakin.


"Ok lang naman sakin. Kami nga ni Irene dati ay magka-away pero duo na kami ngayon." sabi niya sabay tawa kaya tumawa na lang rin ako.


"Ewan ko lang kong bakit ganun pero ok na rin yun. Ayaw ko ng gulo eh." sabi niya sabay tingin sa langit.


"Nung nakasama kita sa activity nung Monday ay nagulat ako nun dahil pano mo nalaman na hindi ako marunong gumamit ng espada."


"Halata naman, mali ang hawak mo sa espada especially na yung posisyon mo. Kailangan kasi yan eh dahil isang maling galaw, ikaw o ako ang mapapahamak. Both long and short is my main. Katana for short and then bow and arrow sa long. Idagdag mo na ang baril doon." sabi niya. Lakas ng babaeng to pero nakakabigla lang dahil bawal sa kaniya ang mapagod ng sobra.


"Sa Pamilya mo naman? Ok ka dun?"


"Ok naman. Sa papel ako ang bunso ng Perez. Legal ang adoption paper ko. Si Ate Autumn naman at Kuya Spring ay tinanggap ako ng walang angal. Mukha nga akong spoiled eh pagdating sa kanila. Sa mga pinsan ko naman ay magkasundo naman kami, tinanggap rin nila ako. Kaya nga utang ko and buhay ko sa kanila."


"Binigyan pa nga nila ako ng properties dito eh, dalawang Hotel at yung resort ay pinamana sakin. Nagtataka nga ako eh dahil ayaw ng mga kapatid ko na manahin ang resort. Ayaw ni Kuya tapos tinatamad daw si Ate kaya ayun sakin napunta." sabay tawa.


"Sa inyo ni Kairon, I can see na may something sa inyo. The way he looks at you, yung pag-aalala niya sayo, tapos yung sa Clinic kong pano ka niya ginamot at niyakap. Kaibigan lang ba talaga yun?"


"HAHA! Alam kong magtatanong ka niyan. Sabi niya sakin gusto niya raw ako. Sinabi niya sakin nung Party sa Mystic Academy." sabi niya kaya ngumiti naman ako ng nakakaloko sa kaniya.


"Eh ikaw? Gusto mo ba siya?"


"Actually, I don't know." what?!


"Anong I don't know?"


"I think I like him pero may mahal akong iba...."


"Ano?!"


"Namatay rin ang first love ko sa ambush. Alam mo yung feeling na mukhang gusto mo siya pero hindi mo parin makakalimutan ang first love mo?" sabi niya kaya tumawa naman ako.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now