"Natamaan ka Bro."

"Alam ko." sabi ko sabay balik sa upuan ko.

"Ganda niya tol."

"Alam ko."

"Pano si Iris? Diba gusto ka nun?"

"Wala akong pake sa kaniya." kaya tumango na lang siya. Pinanood ko lang si Winter na tinakpan ang mukha dahil sa ginagawa ng kaibigan nya.

"Ano ba?! Mga pro lang ang marunong sa sayaw na yun!"

"Please lang Alexis! Tama na! Ako yung nahihiya sayo!"

"Inggit ka lang, kahit nga si Winter hindi to alam." sabi niya tsaka sumayaw na naman.

"T*ng*na, nakahiya ka Alexis! Itigil mo na yan!" sigaw ni Winter.

"Titigil ako kung sasabayan mo ako."

"Pagpumangit na ako, sasabay ako sayo."

"Bwisit ka ring babae ka, pumangit ka ba?"

"Kailan ba ako pumangit?" kaya tumawa naman sila doon. Pati nga yung mga kaklase ko ay tumatawa na rin. Nag-eenjoy kasi sila sa ginagawa ng kaibigan ni Winter.

"Ako! Sasabay ako pano ba yan?"

"Great! Partner naman kita palagi Claire kaya lumapit ka na dito. Tuturuan kita sa Legendary Dance ko." sabi niya sabay turo ng sayaw sa babae.

"Nakaka-enjoy rin ang pagkakaibigan nila no?"

"Sinabi mo pa...."

"Hindi naman pala sila mataray. Minsan lang...."

"Tawa lang rin sila ng tawa."

"Look, nakuha na ng babae ang sayaw."

"Ladies ang Gentleman, let's welcome Claire and Alexis for their Legendary Dance!"

"Parang awa niyo na! Tama na! Ako yung nahihiya sa inyo eh!" sigaw ni Winter.

"Samantha! Sabayan mo kami, pilitin natin si Winter." kaya sumama na naman yung isang babae kaya tatlo na silang sumasayaw doon.

"Huwag kayong tumingin sakin, hindi ako sasayaw kasama sila!"

"WAAAAHH! Mahina ang Main Dancer natin, buti pa kami ang galing namin." tumingin naman sa Area namin yung tatlo tsaka sumigaw.

"Gusto niyong makitang sumayaw si Winter diba?" kaya naghiyawan naman yung mga kaklase ko.

"Jusko Lord! Hindi ko gagawin yan!"

"Ayaw niya, special kasi ang sayaw nato at kami lang ang nakaka-alam nun."

"Special?" kaya tumango naman yung tatlo.

"Tama nga, pang special child." sabi ni Winter kaya nagtawanan naman kami dito.

"Gago tong babaeng to." kaya mas lumakas naman ang tawanan namin.

---

WINTER'S POV:

Dahil sa kahihiyan na ginagawa ng tatlo ay tawa lang kami ng tawa dito, tinakpan ko na ang mukha ko dahil sa kanila. Taxi dance daw ang tawag nila sa sayaw na yun. Pati rin yung taga Jade's students ay tumatawa na sa kanila. Maya-maya ay dumating na ang Teacher namin ngayon kaya umupo na sila sa pwesto nila.

"Goodmorning Class, I'm Andrea your P.E Teacher. Now, alam kong nagtataka na kayo ngayon kong ano ang gagawin natin. And believe me, mahirap to." sabi niya kaya nagkatinginan naman kami dito.

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now