"Ok...."


Halos lahat ng atake nila ay nasasangga ni Winter, halata rin na nahihirapan silang talunin si Winter dahil hindi biro ang lakas niya. Umabot na ng ilang minuto ang laban nila pero hindi pa nila natalo si Winter na binigyan sila ng ngisi. Maya-maya ay nasipa ng babae ang kamay ni Winter kaya nabitawan niya ang hawak nitong katana tsaka nilayo sa kaniya.


Nasa gitna si Winter habang nakatutok sa kaniya ang tatlong katana, she's cornered. Ang katana niya ay nakalutang habang nakatutok sa kaniya, isa sa kanila ay may Telekinesis habang ang isa naman ay cloaning. May nakapalibot rin na mga clone sa kaniya na may dalang katana.


"You're surrounded."


"Sino ngang mas tuso satin? Kaya kong baliktarin ang sitwasyon sa loob ng limang segundo."


"You can't teleport right? Hinawakan ka ng isang clone?"


"At sinong sabi na magte-teleport ako?" maya-maya ay may vines na tumubo at hinawakan sila. Yung 30 clones na nakita ko ay nawala na ngayon and she's right, lamang na agad siya.


"Who teach you again?"


"Letseng vines na to! Ang tibay!"


"As usual, wala naman talaga tayong kaya sa kaniya."


"Tsk....tsk....tsk...." sabay lapit sa dalawa.


"I told you don't let your guard down. Hindi lahat ng makakalaban niyo ay maco-corner niyo." sabi niya and maya-maya ay sabay na naglaho ang dalawa, or mukhang sabay. Tumunog na yung buzzer, which means tapos na ang last ng second batch. Lumabas sa LED screen ang mukha ni Winter katabi ang word na Top 1.


Tumayo naman kami tsaka pumalakpak kasabay ng mga students, kita ko ang ngiti sa mukha niya kaya napangiti na rin ako.


"I'm so proud for you Winter, Lolo is so proud." sabi ko sa isipan niya kaya napatingin naman siya sakin. Kita ko ang luha na tumulo sa mukha niya kasabay ng pagkawala niya sa Arena.


Tiningnan ko siya na naglakad palabas pero agad naman kaming nabigla nung matumba siya but buti na lang nasalo agad siya ni Kairon.


"N-no.....Winter!" sigaw ni Sandra kaya agad naman akong sumunod sa kaniya papunta kay Winter.


"N-no, this can't be!" sigaw ni Sandra kaya napatingin naman ako sa apo ko na sobrang putla.


"Kairon, dalhin mo agad siya sa Clinic please! Bilisan mo baka hihina ang tibok ng puso niya!" sigaw ni Sandra kaya agad namang nawala sa harapan namin si Kairon na buhat si Winter.


"Teka lang! Anong nangyari kay Winter?" tanong ko sa kaniya.


"D-dad, bawal sa kaniya ang mapagod ng sobra. Nakakasama sa kaniya yun at pwede siyang mamatay nun." sabi niya. No! Kailangan ko bang bumawi sa kaniya.


"Halika, puntahan muna natin siya." sabi ko sabay hila kay Sandra.


Pagdating namin sa Clinic nila ay agad naman naming hinanap si Winter. Pagdating namin sa room niya ay nakita namin si Kairon na nakatulalang nakasandal sa pader.


"Kairon! Anong sabi?"


"Hindi pa lumalabas si Nurse Kath, Tita Sandra." sabi niya kaya napa-upo naman si Sandra sa sahig.


"Chief! Si Winter asan?!"


"Nasa loob pa siya Irene."


Maya-maya ay lumabas na ang isang Nurse sa kwarto ni Winter kaya agad ko naman siyang tinanong.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now