"So nandito na sila? Oh? Anong hinihintay niyo? Labas na tayo." kinuha ko muna ang dog leash niya tsaka kinabit kay Yukio, dinala ko na rin ang bola niya at lumabas na sa dorm. Nang tuluyan na kaming makalabas ay binaba ko na si Yukio at naglakad papunta sa Garden.

"Claire!" sigaw ng dalawa kaya napalingon naman ako sa kanila. Kahit kailan talaga ang oa ng dalawang to, tsk.

"Wow! Ang cute niya!" sabi ni Claire sabay hawak kay Yukio.

"Akala ko talaga na bukas pa kayo makakarating. Teka lang? Asan si Irene?"

"Sumama siya kay Angelique." kaya tumango naman ako. Tinanggal ko muna ang dog leash ni Yukio tsaka binigay kay Claire ang bola.

"Itapon mo, kukunin niya yan." utos ko kaya ginawa naman niya. Pagtapon niya sa bola ay agad naman itong hinabol ni Yukio tsaka kinuha at binalik kay Claire.

"Kumain na kayo?" napalingon naman ako sa right side ko and andon si Chief na nakatingin sa kin.

"Kakain na sana pero sabi ni Samantha na pumunta raw kami dito." kaya tumango naman siya.

"Great! Sabay na tayong lahat. Ewan ko lang kong ano ang nakain ni Claire kung bakit niya naisipang maghanda." kaya natawa naman ako.

"Hayaan mo na siya, halika ka na. Tatawagin ko muna si Yukio." sabi ko tsaka tinawag si Yukio.

"Yukio! Come here! Kakain muna kami." sabi ko sabay buhat sa kaniya.

"Gusto mong hawakan siya?" tanong ko sa kaniya.

"May I?"

"Sure." kaya hinawakan niya si Yukio. Pinabuhat ko na rin si Yukio sa kaniya tsaka sabay na lumapit doon sa table. Mukha tuloy kaming nag fiesta sa dami ng pagkain dito.

"Ang daming pagkain!" sabi ni Alexis.

"May fiesta ata." sabi ni Samantha.

"Kain na tayo, gutom na ako." sabi ni Claire sabay upo sa tabi ni Samantha.

Nagsimula na kaming kumain syempre hindi mawawala ang kwentuhan at asaran lead by Samantha and Alexis.

"Mas nakakatawa yung kanina, ang tanga kasi ng bato hindi umiwas ayan tuloy natapilok si Samantha."

"Pwede ba?! Huwag mo nang ipaalala sakin yun? Ang buti mong kaibigan no? Hindi mo ko tinulungan."

"Tinulungan kaya kita!"

"Oo nga, tinulungan mo ang sarili mong tawanan ako." so ayun tumawa sila.

"Tumahimik na nga kayo, ano bang nakain niyo kanina at hanggang ngayon ang hyper niyo parin?" sermon ko sa dalawa.

"Kanin at u---"

"Bukod niyan Samantha!"

"Chocola---"

"You ate my chocolate? Without asking my permission?"

"Hindi namin kinain pero parang ganun na nga. Hehehe...." my god! Ang chocolate ko!

"Pero hindi namin inubos..."

"Ilan ang tinira niyo?"

"Sa limang pack syempre tatlo."

"Pack o pieces?"

"3 pieces hehehehe."

"You got to be kidding me!"

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon