Agad ko namang binayaran ang fee tsaka nagsimula nang ihagis ang mga darts ba yun? Ewan ko basta yun na yon. Madali lang naman sakin to kaya wala akong problema, narinig ko ang cheer ni Channie at naramdaman ko ring may nakatingin sakin. Hindi rin nagtagal ay natapos ko na kaya nakuha ko agad yung plushie na gusto ni Channie.


Grabe! Ang ganda ko pa, ang galing ko pa! Tsk.....Tsk.....Tsk.....kaya nga naging reyna diba. May itsura pa tapos magaling pa, jowa na lang siguro ang kulang pero wala akong oras lumandi baka mapatay ako ni Tagsibol.


"Woooow! Ang galing mo talaga Ate Winter." sabay kuha sa plushie na binigay ko sa kaniya.


"It was so easy, not my thing." sabi ko. Agad naman niya itong niyakap tsaka pumunta na naman sa ibang laruan doon.


"You're great out there, you just throw it easily. No sweat." bulong ni Chief sakin.


"Queen's thing." sabi ko.


"Queen?" Gago! Nadulas pala ako?!


"Just don't mind it."


Mga ilang oras na rin kaming naglalaro dito, hinamon kasi ako ni Chief doon sa basketball kaya pumayag naman ako. Kita ko ang pagkabigla nila pero agad naman silang sinabihan ni Channie. Minsan kasi naglalaro kami ng mga pinsan ko sa side ni Dad ng basketball, minsan rin nanonood si Channie samin kasama yung kambal.


Nung nagsimula ng tumakbo ang oras ay agad naman kaming nag-shoot ng bola, halos magkaparehas kami ng score pero patuloy parin kami sa paglalaro.


"Ang galing niya!"


"Minsan lang akong makakakita ng babaeng magaling mag-basketball."


"Tol! Nakita ko na ang ideal girl ko!"


"Hindi lang ikaw Tol, ako rin."


"She's more beautiful than I expected."


Pagkatapos ng oras ay agad kong tinignan ang score namin and guess what? PANALO AKO! Ang galing talaga.


"I told you, magaling ako dito." sabi ko sa kaniya.


"Nakakababa ka ng pride Winter." sabay tawa kaya napa-iling na lang ako.


"See? Sabi ko sa inyo, magaling ang Ate Winter ko. Talo nga yung ibang pinsan niya na kalaro niya noon eh!" sabi ni Channie kaya tumango naman sila.


Napagplanuhan namin na kumain na muna ng meryenda doon sa nagbebenta ng milktea, doon rin kami kumain ni Chief nung lumabas kami. Pagpasok namin sa loob ay pinasabay ko muna si Channie sa kanila tapos sinama si Chief na mag-order. Pagkatapos naming mag-order ay hinanap agad namin sila tapos umupo na.


"Nga pala Winter, kwento mo naman samin kung pano ka natutong mag-basketball." sabi ni Kenjie.


"I was 14 nun, nung nalampasan ko na ang depression ko. Palagi kong kasama si Kuya nun tsaka yung boy bestfriend ko, baka kasi may gagawin raw akong kalokohan. Palagi silang naglalaro ng basketball kasama ang tatlong pinsan kong lalake at dahil minsan na bo-boringan ako naisipan kong magpaturo sa kanila. Nakakatawa nga eh dahil nagsisisi sila, sana raw hindi na lang nila ako tinuruan." kaya tumawa naman sila. Magsasalita pa sana ako pero may pumutol nito. T*ng*na! Una sa lahat, ayokong may puputol o sasabat sa pag-uusap lalo na paghindi siya kasali!


"Hello Ms, remember me?" tanong ng lalake. Siya yung lalake na pilit na hinihingi ang number ko.


"As I said, I'm not giving you my number."


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon