CHAPTER 23:

Mulai dari awal
                                    

"Saan mo siya last nakita baby?"

"Hindi ko po alam, paglingon ko po kanina wala na si Lola." sabi ng bata habang umiiyak. Tumingin naman sakin si Winter tsaka balik doon sa bata.

"Isasama na lang natin siya baka makita natin ang lola niya." sabi niya kaya tumango na lang ako.

"Sama ka samin, hahanapin natin ang Lola mo. Don't worry, hindi naman kami nangunguha ng mga bata." tumingin ang bata kay Winter tsaka tumayo na ito. Hinawakan niya ang kamay ni Winter habang nasa likod naman nila ako. Nagmumukha silang mag-ina......ko.

Pagdating namin doon sa mga inumin ay kumuha si Winter ng tatlong malalaking Chuckie tapos pinapili na rin yung bata. Pinili naman ng bata yung dutch mill kaya kinuha ito ni Winter. Agad naman kaming pumunta sa counter tsaka binayaran yung pinamili.

Maya-maya ay may lumapit samin na Lola tsaka niyakap yung bata. Dala niya yung Dutch mill na binigay ni Winter sa kanya. Lumingon naman samin yung Lola ng bata tsaka nagpasalamat samin.

"Apo! Saan ka ba nagpunta?"

"Ewan ko lang po Lola kung saang banda yun, tapos sila naman ay tinulungan ako tapos ito oh, binigyan ako nung magandang babae ng duchmik." kaya tumawa naman si Winter.

"Apo! Duchmill yan hindi duchmik."

"Duchmik?" kaya tumawa na naman si Winter.

"No sweetie, dutch-mill not duchmik." sabi ni Winter.

"Duchmik." kaya ayun tumawa na naman si Winter pati yung lola niya.

"Repeat after me, OK?" kaya tumango naman yung babae.

"Dutch?"

"Dutch?"

"Mill?"

"Mill?"

"Dutch-mill?"

"Duchmik!" Grabe tong batang to!

"Hayaan niyo na yung apo ko, bulol kasi. Salamat pala ah, kung hindi dahil sa inyo hindi ko makikita ang apo ko." sabi ni Lola.

"No problem Lola." sabi ni Winter. Hinawakan ni Lola ang kamay ni Winter tsaka tinignan ang palad niya.

"Makakamit mo ang matagal mong hinihiling, nasa malapit lang sila. Hindi mo alam yun pero nasa paligid mo lang sila. May ilang tao na handa kang damayan pero may isang tao na hinding-hindi aalis sa tabi mo. Sa paparating na trahedya ika'y magwawagi, mawawala ng isang oras pero babalik ang diwa nito." sabi ng Lola tsaka nagpaalam na kasama ang apo niya.

"Anong ibig sabihin nun?" tanong niya sakin.

"I think isa siyang manghuhula." sabi ko.

"Totoo pala ang hula-hula dito?" takang tanong niya.

"Yeah, sila ang nagsisilbing oracle ng Mystic City. Konti na lang sila dito dahil pinapatay sila ng Dark Organization. Survivor ata si Lola."

"Ano kaya ang ibig sabihin nun?" bulong ni Winter habang naglalakad palabas sa grocery store.

Naglakad na kami palabas papunta sa Parking Lot tsaka sumakay na sa kotse ko. Nakatulala parin si Winter hanggang ngayon, siguro nagtataka rin siya kung anong ibig sabihin nung sinabi ng lola sa kaniya.

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang