Tinulungan ko siya sa pagbigay ng Forms para masimulan na nila ito. Habang nagfi-fill-up sila ng form ay may isang student na nagtaas ng kamay.


"Yes, sweetheart? May problema ba?" tanong ni Winter. Sa daming pwedeng itawag, sweetheart pa talaga?


"Can we ask some questions?"


"Sure, kahit ano. Para hindi naman boring, go ask anything habang naghihintay kami sa inyo." sabi ni Winter kaya tumango naman ako.


"May relasyon po ba kayo ni Chief?" tanong ng student.


Nanlaki naman ang mata ni Winter dahil sa sinabi niya, nag-ingay naman ang room dahil sa naging tanong ng kaklase nila. Tumingin sakin si Winter na parang sinasabing 'ikaw-na-sumagot'.


"You heard my student, Ms. Perez...." sabi naman ng Teacher nila, sabay ngiti samin.


"Walang kami, students. Bakit niyo naman natanong?" sabi ni Winter.


Tumawa na lang ako dahil sa sagot niya, hinampas naman niya ako tsaka hinarap na ang estudyanteng nagtanong nun.


"Sayang naman." tsaka umupo na.


Maya-maya ay may nagtaas na naman ng kamay kaya tinawag siya ni Winter. Pwede siyang maging teacher dahil sa trato niya sa mga students dito.


"Pero may chance bang magiging kayo?"


"Maybe no, maybe yes. Nobody knows, hoy Chief. Tulongan mo naman ako dito." kaya tumawa naman sila.


"Grabe, your too young para sa ganyan. Saan niyo naman napulot yan? Ako dati, grade 8 ako that time ay nahihirap pa ako kung pano tumawid ng kalsada ng hindi masasagasaan tapos kayo lovelife-lovelife na?" kaya tumawa naman sila.


"Chief! Kung magkaka-anak ka, ilan gusto mo?" kaya ngumiti naman ako sa nagtanong non.


"Dalawa, isang lalake at isang babae. Ang lalake ay dapat mana sakin tapos ang babae ay dapat mana kay Winter." kaya nagtilian naman sila.


Sinamaan naman ako ng tingin ni Winter dahil sa sinabi ko. Hinampas na naman niya ako kaya pinilit kong saluhin ang kamay niya. Hindi biro ang bigat ng kamay niya kaya masakit kahit hampas lang.


Maya-maya ay tapos na silang mag fill-up nun at pinasa na nila kay Winter tapos nilagay na sa box niya. Naka-staple na rin kaya nagpaalam na kami sa kanila pati na rin sa Teacher nila.


Halos tatlong oras na kami sa ginagawa namin, sa Grade 7 lang naman kami natagalan dahil transferee naman silang lahat. 7:00 AM ang start ng klase namin at 10:00 na ngayon. Start na ng recess ng Academy so we decided na mag-recess na lang muna.


Bumaba na kami sa building ng Grade 9 dahil tapos na rin naman kami sa grade level na yun. Habang papunta sa Cafeteria ay nakita namin ang Rangers kasama sila Samantha at Alexis, I think hinihintay nila kami.


Lumapit na kami ni Winter sa kanila tsaka pumasok na sa loob. Naghahanap muna kami ng pwesto para ilagay tong box na dala namin.


Pagkatapos naming ilagay yun ay sabay na kaming nag-order ng pagkain. May nag burger, may nag Hotdog Sandwich at also fries. Dalawang large fries ang kay Winter tsaka yung Chuckie niya.


Pagdating namin sa pwesto namin ay nilipat muna namin ang box sa ilalim ng lamesa para makakain kami ng maayos. Kaharap ko ngayon si Winter na nagsimula ng kumain.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon