Nag-apir naman kami ni Channie sa sofa tsaka nakisabay sa tawa nila. Hindi ko inaakala na malakas palang tumawa si Kenjie at si Claire.


Napatingin naman ako kay Chief na nakangiting nakatitig sakin kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Tinignan ko na lang si Channie na tumatawa parin.


Tinignan ko ang oras sa orasan dito at malapit na palang mag 2:00 PM. I decided na mamayang 4:00 PM na kami uuwi.


"Tita, sa taas na muna kami. Malapit na kasing mag 2:00 PM baka magbukas ka na. Mukhang padating na rin yung ibang tao na nagtratrabaho dito."


"Oo nga no? Sigi sa taas muna kayo. Magbubukas na naman ako maya-maya." kaya tumayo na kami ni Channie.


"Akyat muna tayo." kaya sinunod naman nila ako.


Pagakyat namin ay umupo na agad kami ni Channie sa sofa. Hindi na umupo sa lap ko si Channie tabi na kami. May naramdaman naman akong may tumabi sakin pero hindi ko na lang pinansin, na kay Channie kasi ang attention ko ngayon na naglalaro ng Call of Duty.


Hindi ko alam kong pano yun lalaruin pero mas hindi ko alam na may ganun pala akong laro sa phone ko. Wala nga akong laro eh.


"Channie, did you install that app?"


"Yes, ok lang naman po diba?"


"Ok lang naman, pano ba yan lalaruin?"


"Papatayin mo lang ang kalaban, may ganyan rin naman ako." kaya agad akong napalingon sa gilid.


Ayun, nakita ko siya na nakatingin rin sakin. Kung minamalas nga naman sobrang lapit ng mukha namin. I saw him smirked at me kaya agad akong napatayo.


"Pwede ba, lubayan mo muna ako? Nakakainis kang bwisit ka!" tsaka tumabi sa kabilang side ni Channie.


Hindi niya siguro napansin dahil busy siya sa ginagawa niya. Ngayon nasa gitna na si Channie. Nasa kabilang side ko si Claire na nanonood ng Kdrama. Yung about sa Webtoon? Basta yon yun.


Nakitingin na lang rin ako dahil wala naman akong magawa. Rinig ko ang pagbabangayan ng dalawa dito sa tabi ko pero maya-maya ay hihinto rin naman.


Nanlaki ang mata ko ng makitang naghahalikan yung dalawang bida. Nag-iwas agad ako ng tingin at nanonood na lang kay Channie na tinuturuan ni Chief.


"Bakit ba kailangan pang mag kiss? Pwede namang hindi Tsk." bulong ko.


"Ate Winter? Sinong nag kiss?" sabi ni Channie kaya napatingin naman sila samin.


"Huh? No, wala namang nag kiss. Bakit mo naman natanong?"


"Narinig kita kanina eh. You want to kiss someone?" Ano raw? Kiss? Someone?


"Huh? Hindi no! Bakit mo naman nasabi yon? Kung gusto ko naman, cheeks mo lang ang hinahalikan ko."


"Talaga? So hindi pa nawala yung first kiss mo?"


"Hindi pa. Teka? Saan mo naman nalaman ang ganung bagay? Sa Mommy mo ba?"


"Kay Kuya Noel. Siya yung palaging nagbabantay samin everytime na maglalaro kami sa park ng kapatid niya. Ate Winter, can I ask something?"


"Sure Channie."


"Ano ang kaibahan ng Kiss at Peck? Nalilito kasi ako." Oh my god!


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest Heiressजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें