Dahil pamilya namin ang nagbebenta ng mga armas ay given na rin na alam kong gamitin yun lahat. As in lahat.

Pero bago ako napunta sa pamilyang Perez ay galing ako sa mundo kung saan nakatira ang mga taong may kapangyarihan katulad namin.

Kasama ang mga magulang ko na nag-alaga sakin. Huli na nang malaman ko na hindi rin pala sila ang totoong magulang ko.

But still, sila parin ang nagpalaki sakin until I turned 14 years old.

Isa kaming masayang pamilya at tahimik na namumuhay sa isang bayan.

Armagonia Village....

Isa akong masayahing bata. Palaging ngumingiti, yung ngiting pampa-goodvibes. Halos kilala ako ng mga tao noon sa bayan namin dahil sa ngiti ko. Kaibigan ko rin lahat ng bata samin at minsan nagtutulungan rin kami kung pano kontrolin ang kapangyarihan namin.

Isang gabi, when I was 8 years old that time. Tumakas ako sa bahay namin dahil hindi ako makatulog. Tambayan ko ang puno dyan katapat ng bahay namin. Katapat kasi namin ang isang mini park at isang garden kung saan diyan kami nagtutulungang kontrolin ang sarili naming kapangyarihan.

Lumapit ako sa mga bulaklak and summon some fireflies o alitaptap. Palagi ko tong ginagawa pag-hindi ako makakatulog. Bibilangin ko lang sila hanggang sa dalawin na ako ng antok, pag feel ko nang matulog ay magte-teleport na lang ako papunta sa kwarto ko. Minsan ko lang ginagamit ang sub-power ko dahil hindi pa ako masyadong malakas para sa kapangyarihan na yun.

Pero bago ako umupo sa bench ng garden ay may naramdamam akong aura medyo malakas rin naman katulad sakin.

"Sinong nandyan, magpakita ka!" sigaw ko.

Bumaba sa puno ang isang gwapong lalake at pinagpag ang sarili niya.

"So you sense me, eh?" sabi niya

"Bakit hindi naman kita mararamdaman? Hindi mo naman pinaliit ang aura mo. Teka? Ngayon lang kita nakita ah? Bago ka ba dito? Anong pangalan mo?" tanong ko.

"I'm Jun Lander Santos. Nice meeting you." sabi niya sabay lahad ng kamay.

"I'm Windellyn Terrisha Marquez. Nice meeting you also." sabi ko sabay tanggap sa kamay niya. Akala ko shake hands lang pero hinalikan niya.

"Why did you kiss my hand? Pwede namang shakeshand lang diba?" tanong ko kaya tumawa naman siya.

"Beautiful girl like you deserve that. Ano palang ginagawa mo dito? Nature ba ang power mo?" tanong niya.

"Hmm, ikaw? Ano sayo?"

"Fire, ang cool naman ng sayo."

"Lahat naman ng kapangyarihan maganda, depende na lang kong pano mo gamitin ito. Halika, tabi tayo, bilangin natin yung mga alitaptap." sabi ko sabay tapik sa space na nasa tabi ko.

Di ko inaakala na dahil sa simpleng naming pagkikita ay nauwi sa pagkakaibigan hanggang sa pagkaka-ibigan.

Umamin siya sakin when I was 11 years old and he's 14. Umamin na rin ako so we share the same feelings. He also promise na kung nasa tamang edad na kami ay pakakasalan niya ako.

Pero lahat ng yon ay nawala. Ang masaya naming bayan ay naging tahimik. Lahat ng tao ay abo na ngayon.

Our village was ambush by the person who wears Black Cloak marami sila at sa likod naman nila ay isang diamond.

My family died protecting me. Pinalayo nila ako at pinapunta sa Mortal Realm, kahit labag sa kalooban ko ay iniwan ko sila na unti-unting nawawalan ng hininga.

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now