Hindi naman alam ni Faye na engrande ang magiging 7th birthday nya dahil sa tuwing magbe-birthday sya puro friends lang nya ang bisita, minsan naman kaming tatlo lang kaya sigurado akong magugulat at matutuwa sya kapag nalaman nyang invited ang mga teachers at lahat ng kaklase nya.


Si Andy ang may pinaka gusto na engrande ang maging debut ni Faye at Fionna dahil unika iha daw namin kaya bakit hindi pa namin ibigay, minsan lang naman daw 'yon. Hindi naman ako tutol sa gusto nya kaya agad rin akong pumayag. Medyo malaki nga lang ang total ng gagastusin pero ayos lang dahil sigurado akong maeenjoy ni Faye ang debut nya.


"Wala pa akong regalo. Siguro I'll just renovate her room from plain design to underwater wallpaper designs and mermaids." Sambit ni Andy na sya ko namang tinanguan dahil magandang ideya 'yon.


"Pero paano magiging surprise 'yon eh doon sya naglalaro minsan? Makikita rin nya agad 'yon." Sabi ko naman.


"Basta, akong bahala." Hindi ko na kinontra ang plano nya dahil baka masira ko pa.


Pumuntang banyo si Andy at ako naman ay nag-iisip ng ireregalo ko kay Faye nang tumunog ang phone ni Andy. Call naman 'yon kaya hindi na required ang password kaya sinagot ko na lang.


"Hello? Nasa banyo kasi si—" Hindi ko na naituloy dahil nagsalita kaagad ang nasa kabilang linya.


"Nasaan ka na? Mag-iisang oras na akong naghihintay sa'yo, for christ' sake! Hindi na ako natutuwa Mr. Andre Dyne Twazon!"


"Sino ba 'to? Bakit ka sumisigaw? May atraso ba ang asawa ko sa'yo?!" May sarkasmong tanong ko.


"Asawa? As far as I know hindi pa kasal ang lalaking may-ari ng phone na gamit mo ngayon."


"And as far as I know wala kang karapatang sigawan si Andy dahil ako lang ang pwedeng gumawa non dahil ako ang asawa nya. Letche ka, naninira ka ng pamilya." Mahinahon pero may inis na pagkakasabi ko.


Binabaan nya ako ng phone at nang maibaba ko ang phone ay doon ko lang na-realize na kanina pa pala nakabalik si Andy at nakatayo lang sa gilid ko habang pinapakinggan akong makipag-away sa babaeng 'yon.


"Sino 'yon?!" Agad na tanong ko.


"Business partner?" Patanong na sagot nya sabay kuha sa phone ay ibinulsa ito.


"Business partner? Putang inang business partner na 'yan! Niloloko mo ba'ko?! May babae ka?! Kung ginagago mo na lang ako mabuti pa lumayas ka na sa pamamahay ko dahil nagdidilim ang paningin ko sa'yo!" Sinampal ko siya pero parang ginagago nya talaga ako dahil tumatawa pa sya.


Kaya siguro madalas 'tong nawawala at gabi na umuuwi may iba na palang pinagkakaabalahan! Talaga nga naman!


"Fana, nag-ooverthink ka na naman." Ngumisi siya at pinisil ang pisngi ko. "Teka, tatawagan ko ulit 'yung 'Babae ko' na sinasabi mo."


Magkasalubong ang kilay ko habang nakapagkrus ang mga braso habang hinihintay na sagutin ng babae ang tawag ni Andy pero hindi na sumagot.


"She blocked my number." Nagkakamot pa ng ulo si Andy at sinubukang kontakin ulit ang number pero wala an talaga. "Gusto ko na ngang isumbong sa'yo 'to eh. Palagi na lang tumatawag kahit tapos na ang kontrata nila sa kompanya tsaka hindi ko naman talaga lubos na kilala 'yon."


"Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo?!" Iritadong tanong ko sabay kurot ng pino sa hita nya. "Alam ang full name mo tapos sasabihin mong hindi mo kilala?!" Hahampasin ko pa dapat sya pero niyakap nya ako at ibinagsak ang katawan namin sa couch.


"Magpapalit na nga ako ng number, nagseselos na ang asawa ko." Nang-aasar na bulong niya sabay kindat. Gusto ko syang sabunutan pero hindi ako makawala sa mga braso nya.


"Asawa mo mukha mo! Kung hindi mo ako niloloko bakit may password na 'yung phone mo!" Buwelo ko pa at pumapalag pa ako.


"Alam mo naman password ko ah? 'Diba ikaw ang nagsabi sa'kin na 'Fionandrea' ang i-password ko?" Nalilitong tanong nya.


Bigla ko namang naalala na ako nga pala ang nag-suhestyon ng password na 'yon at nakalimutan ko lang...


"So... hindi mo ako niloloko?" Nahihiyang tanong ko. Nagpipigil naman sya ng tawa habang tumatango.


"Bakit naman kita lolokohin? Ano ako? hibang? Tinuturing kitang reyna ko tapos sa tingin mo kaya kitang saktan?"


"Ewan ko sa'yo, nakakainis ka. Palagi kang umaalis at gabi nang umuuwi. Hindi mo na ako binibigyan ng oras." Sumimangot ako at imbis na pumalag pa ay niyakap ko na lang din sya.


Ang posisyon namin at nakahiga siya sa couch hangang nasa ibabaw niya ako at nakaunan sa dibdib nya. Madali ko na syang mahahampas sa posisyon na 'to kapag inasar pa nya ako.


"Mahal, huwag kang malikot, baka masundan si Faye ng wala sa oras." Nang-aakit na bulong niya kaya kagaya ng sinabi ko kanina ay agad at madali ko syang nahampas sa dibdib.


"Ang bastos mo!" Singhal ko.


"Nagbibiro lang ako. Baka lang makalusot." Nakangisi pa siya sabay mahinang hampas sa puwitan ko. "Umakyat na nga tayo sa kwarto at baka di na ako makapagpigil tutal tayong dalawa lang ang nandito sa salas."


"Bahala ka dyan! Magkamay ka don sa banyo kung gusto mo! 'wag mo 'kong dinadamay!" Nagmamadali akong umakyat at mabuti naabutan kong gising pa si Faye.


"Mama I think my bag is broken..." Ipinakita sa akin ni Faye ang kanina pa niya pinagkakaabalahan. Mukhang nasira na ang zipper ng bag nya.


"Marami ka namang bag anak. Ililipat ko na lang bukas ang mga gamit mo." Mahinahon kong sabi at tumango naman sya. "Huwag ka munang matutulog anak ah, maglaro muna tayo at tumabi ka sa'kin matulog."


"Bakit po??" Nakakunot noong tanong nya.


"Wala lang. Para hindi mangulit ang Papa mo." Simpleng sagot ko.


"Mangulit?"


"Basta. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Gusto mo mamili na tayo sa mga bags mo kung ano ang gagamitin mo bukas?" Agad na pag-iiba ko ng usapan. Malapad ang ngiting tumango si Faye.


Papunta kami sa walk in closet ni Faye nang makasalubong pa namin ang Papa nya na paakyat na ng kwarto. Pasimple pang kumindat si Andy pero tinaasan ko sya ng gitnang daliri kaya natawa sya bago pumasok sa kwarto namin.


Ganon lang si Andy pero sobrang nirerespeto nya ang desisyon ko. Hindi ko naman itatago na, oo, paminsan-minsan syang humihiling sa'kin pero hindi ko maibigay ang gusto nya bukod sa palaging nandyan si Faye, pagod naman ako sa trabaho at madalas ay wala ako sa mood. Kapag naman sinabi kong ayoko hindi naman sya namimilit.


Sa anim na taong pagsasama namin iisang beses pa lang na may nang-yari sa amin at tatlong taon pa lang si Faye noon kaya malakas ang loob ni Andy pero ngayon na lumalaki na si Faye mas nagdo-doble ingat na sya sa mga kinikilos at sinasabi nya lalo na kapag kaming dalawa lang, baka kung ano-anong malalaswa ang pinag-uusapan namin eh hindi namin namamalayan nakikinig lang pala si Faye at hindi kumikibo.


Ayokong masira ang kainosentehan ng anak ko kaya't hanggang maaari ayokong pahawakan sya ng gadgets. Masyado pang bata ang anak ko.


Wala na akong mahihiling pang iba kapag si Andy ang kasama ko. Kuntento na ako na naibibigay nya ang pagiging ama kay Faye at the same time pagiging tapat na boyfriend ko.


Nangako ako sa sarili ko noon na hindi na ako mag-mamakaawa para lang sa isang lalaki pero tingnan mo ako ngayon, kinakain ang mga sinabi ko noon.


Si Andy ang nagsilbing haligi na nagpatatag sa munting tahanan namin ng anak ko.



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now