"Good Afternoon." Bati ko sa kanila at naupo na lang ulit ako sa upuan ko.


"Good Afternoon, Teacher! Where is Faye po?" Masiglang tanong ni Jianna.


Nanlaki naman ang mga mata ko at kinabahan agad ako dahil kanina pa nagpaalam na magbabanyo si Faye pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip na baka nadulas siya sa loob ng banyo kaya mas lalo akong ninenerbyos.


Nilingon ko ang pintuan ng cr sa loob ng faculty room ko at nakasarado pa rin iyon at rinig pa rin ang pagtulo ng tubig sa gripo.


"Excuse me, may titingnan lang ako sandali." Nagpasintabi muna ako sa kanila at naglakad ako palapit sa cr at kinatok ko ang pintuan pero hindi sumasagot si Faye. "Faye? Open the door, kanina ka pa riyan."


"Faye let's play na!" Masayang sigaw ni Jianna kahit pa hindi pa lumalabas ng cr si Faye.


"Faye, buksan mo 'to!" Nanginginig na ang tuhod ko ang gusto ko nang sirain ang pintuan pero pinanatili kong maging kalmado dahil nakatitig si Janaih at Francis sa akin habang ang anak nilang si Jianna ay nakangiting inaabangan ang paglabas ni Faye.


"Faye ano ba I said open the door! It's not funny!" Medyo napalakas ang boses ko at nilakasan ko rin ang pagkatok ko sa pintuan.


"Mama I'm locked." Rinig ko ang mahinang boses niya kaya nagmadali akong kuhanin ang bag ko at hinanap ang susi ng cr.


"What's happening? Do you need help?" Tanong ni Janaih at handa nang tulungan ako pero tinanggihan ko.


Hindi ko mabuksan ng maayos ang lock ng door knob dahil nanginginig ang kamay ko sa nerbyos. Natigilan ako nang may umagaw sa hawak kong susi at siya ang nagbukas nito para sa'kin.


Nang mabuksan ni Francis ang pinto ay agad hinanap ng mata ko si Faye. Nakita ko siyang basang-basa at mukhang nasira ang gripo kaya tumalsik sa kanya ang tubig.


"Pinakaba mo ako, anak..." Marahas ang paghinga ko habang hawak ng mahigpit ang kamay niya.


"Mama, i'm cold." Bulong niya.


"Can I turn off the Ac?" Tanong ko sa parents ni Jianna at pumayag naman sila.


"Here, use this. Face towel 'to ni Jianna, don't worry hindi pa nya nagagamit 'yan. Baka magkasakit sya kapag natuyuan sya ng basang damit sa katawan." Inabot ni Janaih ang towel sa akin.


Hindi na ako tumanggi dahil ayokong magkasakit ang anak ko, siguradong hindi na naman mapapakali si Andy kapag nagkasakit si Faye.


"Tatawagan ko ang Papa mo, papaldahan kita ng uniform but for now ito muna ang suotin mo." Mayroon akong white t-shirt sa bag, I mean kay Andy ang white t-shirt na yon. Sobrang laki sa kanya at nagmukha nagmukha nang long dress sa kanya ang t-shirt ni Andy pero ayos na 'yon kaysa naman basa ang damit nya.


Matapos ang ganap na 'yon ay nag-umpisa na ang pagdi-discuss ko about sa darating na spelling contest pero habang nagsasalita ako ay nawawalan ako ng konsentrasyon dahil nakikita kong hindi maalis ang tingin ni Francis kay Faye.


Nang matapos ang meeting, sobrang galang ng pakikitungo ni Janaih sa akin na para bang walang nangyaring awayan noon. Siguro ay literal na nagbago na nga sya. Nung una ay hindi ako komportable sa ganong ugali nya pero parang nasasanay kaagad ako.


"Mama! Can I come to Jianna's place tomorrow? Maglalaro po kami.." Naglambing na naman ang anak ko at isinama pa nya si Jianna kaya dalawa sila ngayon na nakapalupot ang braso sa bewang ko.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now