"Kailangan mo ba talagang gawin 'yon?" Pabulong na tanong ko. Para akong nauubusan ng hangin at nahihirapan akong magsalita.

Kasalukuyan na kami ngayong nakahiga at nakaunan ako sa braso niya. Nagpapalipas na lamang kami ng oras at nagpapaantok pero sa palagay ko ay hindi rin ako makakatulog kakaisip sa bagay na 'yon.

Ang dami kong biglang naging tanong sa utak ko, na paano kung kailangan nya talagang gawin na magpakasal kay Janaih? Paano ako? Kami?

"Hon tinatanong kita." Malumanay kong tanong kahit pa atat na atat na akong marinig ng isasagot niya.

"Ngayon? Hindi na. Nag-usap na kami ni Mommy and she agreed na hindi na matutuloy ang napag-usapan namin because I already have you. Gusto rin ni Mommy na magpakasal na tayo but I explained to her kung bakit hindi pa pwede ngayon." Sagot niya.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa sagot niya.

"Dahil mag-aaral pa ako? Gusto ko na pareho tayong maging guro bago tayo ikasal kaso baka promoted ka na kapag naging teacher na rin ako." Nakasimangot kong sabi.

Sa galing magturo ng boyfriend ko hindi malabong ma-promote agad sya sa trabaho. Mabuti na lang at hindi ko naabutan ang K-12 na ipinatupad ng gobyerno. Mabuti na 'yon dahil ilang taon na lang ang bibilangin ko bago makapagtapos.

Kapag naging license teacher na ako, gusto ko ang estudyante ko mga kinder para kapag nagpakasal kami ni Francis hindi na ako bago sa pagkalinga ng mga bata. Para alam ko na ang dapat gawin kung paano makukuha ng mabilis ang loob ng mga bata.

"Kung tutuusin pwede na tayong magpakasal dahil legal age ka naman na pero syempre gusto ko na makapagtapos ka muna."

"May napanood ako na asawa nya ang prof nya at tinatago lang nila sa mga estudyante n'ya." Opinyon ko na minasama naman ng lalaki na 'to.

"Alam ko naman Hon na mahal mo ako pero 'wag ka naman magpadalos-dalos. kakasabi ko lang na hihintayin at sasamahan kita hanggang maka-graduate ka. Gusto mo bang pakasalan na kita ngayon? Okay lang naman sa'kin." Pilyong sabi niya.

"Parang pinapalabas mo na ako ang patay na patay sa'yo ah? 'Yun ba pinupunto mo?!" Bumangon ako at kumuha ng unan at handa nang ihampas sa mukha niya.

"Hindi naman sa gano'n, Hon! Iniisip ko lang na baka kaya mo sinabi 'yon eh gusto mo na akong pakasalan— Aray!" Hinampas ko sa mukha niya ang unan sabay tulak sa kaniya dahilan nang pagkahulog niya sa kama.

"Goodnight. Love you." Agad na sabi ko at nahiga na habang siya ay nakasalampak sa sahig at nakangiwi sa sakit.

"P-pasalamat ka mahal na mahal kita kung hindi sinako na kita at hinagis sa kalsada..." Daing niya. Naramdaman ko ang paggalaw ng higaan at naririnig ko ang pagdaing-daing niya. "Kapag nalaman ni Mommy na tinulak mo ako sa kama magagalit 'yon at baka ipakasal ako kay Janaih." Pakinig kong bulong niya.

Nagising ang diwa ko at tumitig sa kaniya ng masama.

"Isusumbong mo 'ko?" Mahina kong tanong at tumango naman siya.

"Sigurado akong bukas naka-schedule na ng kasal namin ni Janaih." Walang pakialam niyang sagot at inaayos ang pagkakakumot niya sa comforter.

"Okay." Tanging sagot ko at nahiga na ulit.

"Mahal nagbibiro lang ako! 'Wag ka na umiyak, joke lang 'yung sinabi ko hah, joke lang. Tahan na.." Agad niyang pinunasan ang luha ko dahil pasimple lang akong tumalikod at umiyak. Napansin pa pala niya iyon.

"Hindi mo naman ako mahal. Kung mahal mo ako hindi ka magpapakasal sa iba."

"Nagbibiro nga lang ako! Tumahan ka na, mapapagalitan ako ni Mommy kapag nalaman nyang pinaiyak kita." Kabado niyang sabi at tila natataranta na.

"Mahal mo ba ako?" Tanong ko.

"Mahal na mahal, kaya tumahan ka na dahil hindi naman kita ipagpapalit sa iba, okay? I love you, tahan na." Marahan naman akong tumango at yumakap sa kaniya. "May sasabihin pa ako eh, tinutulugan mo na'ko, Hon..."





"Andre! Sabay na tayo!" Sigaw ni Aaron na nasa likuran ko lang. Kaka-off lang namin at magkasabay kaming naglalakad ni Andy papuntang sakayan ng jeep, humabol lang si Aaron.

"Magkaiba ruta natin hoy." Sabi ni Andy sabay turo sa dadaanan namin at sa dadaanan ni Aaron.

"Hindi ah! May pupuntahan din kasi ako malapit don sa apartment na tinutuluyan nyo kaya sasabay na ako." Sagot naman ni Aaron at pasimple akong natawa dahil nakalimutan niyang hubarin ang apron niya.

"Baka may mang-hingi ng menu sa'yo sa jeep. Tanggalin mo 'yan." Sabi ni Andy sabay tanggal ng buhol ng tali sa apron ni Aaron.

"The best ka talaga Dre. Eto namang si Fana nakikita na tinawanan pa 'ko imbis na sabihing 'Hoy pogi, suot mo pa apron mo'." Nakita ko na sinamaan ng tingin ni Andy si Aaron. "Nagbibiro lang naman ako Dre, syempre nakakatawa naman talaga ako 'diba Fana? Susuot ko ulit para matawa ulit si Fana, hehe..." May kaba sa boses nito.

"Saan ka pupunta?" Seryosong tanong ni Andy kay Aaron dahil may humintong jeep sa tapat namin at nangungunang sumakay si Aaron. "Hindi mo ba alam ang ladies first?"

"Syempre alam ko! Sinilip ko lang kung may uupuan pa si Fana. Ikaw naman palagi kang galit." Alam kong nagpapalusot lang sya. "Fana, sakay ka na. Doon sa may tapat ng bintana para mahanginan ka." Nagpasalamat na lang ako at naupo sa pwestong tinuro ni Aaron.

Habang nasa byahe, natraffic kami dahil may tumuwad at nakaharang na malaking puno sa daan kaya napilitan kaming maglakad.

"Ang bango..." Mahinang sabi ko nang maamoy ko ang iniihaw na isaw sa kabilang daan. "Gusto ko non..."

"Tara, libre kita." Bigla akong hinablot ni Andy at lumipat kami sa kabilang kalye. Katulad nga nang sinabi niya ay nilibre niya ako at ngayon ay nahihiya ko dahil ang dami kong nakain.

"Ang sarap ng libre." Pumipito pa si Aaron sa gilid habang naglalakad kami dahil pati siya ay nilibre rin ni Andy.

"Bakit hindi ka sinundo ng boyfriend mo?" Mahinang tanong ni Andy para hindi marinig ni Aaron. Ngumiti naman ako ng marahan bago sumagot.

"Medyo busy sya ngayon kasi ang dami nyang papers na inaayos tsaka dumagdag pa 'yung trabaho nya sa school." Sagot ko. Tumango lang siya at maya-maya ay nagtanong na naman.

"Gaano na kayo katagal?"

"Secret." Ngumiti ulit ako.

"Niligawan ka nya?"

"Oo. Kagabi lang nga nag-date kami at sabi nya liligawan nya ulit ako, para ba iparamdam sa'kin na wala syang babae, parang ganon?" Sa bawat sinasagot ko sa tanong niya ay tumatango lang sya at susundan pa ng tanong.

"Kaya pala kahit anong pagpapakita ko sa'yo noon ang layo ng tingin mo, hindi mo ako nakita-kita."

"Ano?" Kunot noo kong tanong.

"Wala. Ang sabi ko mabuti na lang masaya ka sa kanya." Tumawa siya at ginulo ang buhok ko palibhasa matangkad siya ay kaya niyang gawing patungan ng siko ang balikat ko.

"Ehem, respeto nandito ako." Walang pumansin kay Aaron at nagpatuloy lang kami sa paglalakad na parang mga estudyanteng magkaakbay na naglalakad.



•°•

Lady_mrg

The Unkind Fate | ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin