CHAPTER 29

3 0 0
                                    

CRUSH.



MILLICENT POV.
"Hay!" Padabog kong binaba yung mga libro sa lamesa kaya halos mapatalon si Marv sa gulat.

Nauna pa syang pumunta rito sa tambayan ko. May naglalaro na naman kasi.

"Ano ba yan! Ang aga aga! Nagdadabog ka... Chill ka lang pwede? Pwede?" Sabi ni Marv at saglit na tumingin sakin. Umirap ako at hinawi ko yung buhok ko.

"Ang init! Peste!" Iritang sabi ko at padarag na naupo.

"Bakit ba ang sungit sungit mo na naman? Well, lagi ka naman pa lang masungit. Pero bakit parang lumala ngayon?" Sabi ni Marv. Tinapat nya sakin yung maliit na electric fan na hawak nya at tumingin ulit sa harapan kung saan naglalaro ang ibang 3rd year student ng baseball.

Nakita ko ang grupo nila Nicholas na naupo sa isang bleacher at mukang manonood sa mga naglalaro. Kita ko kung paano kinilig ang mga babae sa kabilang bleacher. May mga bumati pa sa kanila binati naman ito pagbalik ng kasama ni Nicholas samantalang sya ay nakatingin sa akin. Umirap ako at nag iwas nang tingin.

Why he's doing these?

Kaninang umaga pagpunta ko sya ang nagbukas ng classroom. Maaga akong nakapasok kaya halos wala pang mga estudyante.

"Good morning!" Nakangiting bati nya nung makita nya ako. Kakagaling ko lang sa locker room para kuhanin yung mga gamit ko. Umirap lang ako at pumasok na sa loob nung mabuksan nya ang classroom namin.

"Ay! Irap lang? Walang pabati pagbalik?" Nakangising sambit nya at pumasok rin sa loob.

"Whatever." Sabi ko at pumunta sa likuran sa katabi ng bintana kung nasaan ang aking desk.

"Diba? Dito ka nakaupo?" Tanong nya. Binaba ko ang gamit ko sa aking desk bago sya hinarap. Nginuso nya yung desk kung saan ako nakaupo dati. Bumuntong hininga ako at hindi na nagsalita pa. "Oh..." Yun lang ang nasambit nya at napatango tango na para bang may naintindihan sya. Umirap ako at naupo sa aking upuan.

Panigurado wala pa si Rhoine. Hindi sya pumapasok ng ganito kaaga. Maaga akong pumasok dahil ayoko nang marinig pa ang pagtatalo ng aking mga magulang. Lagi na lang silang nagtatalo at nagsasawa na akong pakinggan pa iyon kaya pumasok na lang ako kahit na hindi pa sumisikat ang araw.

Binuklat ko ang aklat na hiniram ko sa library. Ramdam ko ang paninitig ni Nicholas sakin.

"What?" Tanong ko sa kanya at nagtaas ng kilay sa kanya.

"Uhm... I think..." Napapatabingi ang aking ulo habang tinitignan sya. Mas tinaas ko ang aking kilay nung hindi sya nagsalita. Huminga sya nang malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I think I got a crush on you..." Napatayo ako. Nag angat sya nang tingin sakin.

"Ka-kailangan ko na pala itong ibalik sa library. Si-sige. Bye." Mabilis kong kinuha yung libro na nasa desk ko at nagmamadali akong umalis. Pagkalabas ko nang classroom napahawak ako sa aking dibdib.

What is happening to me? No way. This can't be. Umiling ako at mabilis na umalis roon.

"Hello! Are you still with me?" Tanong ni Marv at kinaway pa sa aking harapan yung kamay nya.

"Of course! Muka bang wala?" Mataray na sabi ko sa kanya.

"Miles!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Nagtaas ako nang kilay sa kanya. "Here's the list..." Sabi ni Rhoine at may binaba na mga papel sa table.

"Ano yan? List ng mga students?" Tanong ni Marv at kinuha yung mga papel para tignan kung ano iyon. "3rd year and 4th year students lang?" Tanong nya pa. Tumango ako at kinuha na sa kanya iyon.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang