CHAPTER 32

2 0 0
                                    

BOO.


MILLICENT POV.
"HAHAHAHA!" Matalim kong tinignan si Ken nung tawanan nya lang ako nung sinabi ko sa kanya yung ginawa ni Marvine. "Edi yung cellphone ni Nicholas muna ang gamitin mo." Natatawang sabi nya. Sabado ngayon at kapag weekend nagbabakasyon si Marvine kasama ang family nya pero minsan nambubulabog lang yon sakin. I don't know kung saan ko hahanapin si Nicholas.

"Ayoko nga! Duh. Hindi ako pakialamera." Sabi ko at binilisan yung pagpapatakbo nang kabayo.

Nasa Rancho ako nila Ken ngayon. Wala nang klase si Ken kaya sinamahan nya na lang ako mangabayo. Actually, kakauwi nya lang nung dumating ako but nagbihis lang sya saglit then sinamahan nya na ako para lang tawanan.

"Nako! Malay mo yung Nicholas pinapakialaman yung phone mo kaya okay lang kung pakialaman mo rin yung kanya. Gantihan lang ganon." Nakangising sabi ni Ken. Napailing at napairap na lang ako sa aking pinsan.

Matapos ang ilang oras ay tumigil na kami at bumalik sa mansion nila.

"Kung ayaw mo edi ako na lang." Sabi nya at kinuha sakin yung phone.

Hinayaan ko na lang sya at naupo na lang sa upuan na nandon sa veranda nila. Umupo naman sa tabi ko si Ken habang abala pa rin don sa cellphone.

"Ayoko nga!" Sigaw ni Iyah ang nagpalingon samin ni Ken sa loob ng bahay nila.

"Iyah..." Tawag ni Ken at tumakbo papasok sa loob. Agad naman akong sumunod.

"Please, sweetie... This is all for you." Malambing na sambit ni Auntie Analine at sinubukang lapitan si Iyah pero lumayo lang ito sa kanya.

"Ayoko nga! Ayoko don! Ayoko sa abroad! Ayokong umalis! Ayoko! Kaya ko dito!" Sigaw ni Iyah habang umiling sa kanyang ina.

"But you need it, sweetie. Babalik din tayo dito." Sabi ni Auntie Analine at sinubukan hawak an si Iyah pero mas lumayo lang ito sa kanya.

"Sweetie, please, listen to us. We're only doing this for your own good." Malambing na sabi ni Uncle Alfredo.

"No!" Umiling pa si Iyah bago tumakbo palabas ng bahay.

"Iyah!" Tawag pa sa kanya ni Ken pero wala itong pinansin at nagpatuloy lang ito. "I told you, ako nang magsasabi sa kanya." Medyo inis na sabi ni Ken at sumunod kay Iyah. Agad ko namang nilapitan si Auntie Analine nung makita yung panghihina nya.

"Hindi ko na alam kung ano gagawin ko. Ayaw nyang sumama samin." Sabi ni Auntie Analine habang umuupo kami sa sofa.

"Kailangan nyang pumunta sa U. S. para mapagamot sya dun. Ayaw nyang sumama kesa wala si Aiken." Paliwanag sakin ni Uncle Alfredo. Napatango naman ako.

"Bakit naman, Uncle Alfredo? Hindi ba talaga sya makakasama? Kahit saglit lang ganon?" At tinignan ko sila ni Auntie Analine. Bumuntong hininga at yumuko lang si Auntie Analine kaya si Uncle Alfredo na ang sumagot sa tanong ko.

"Ice, kung tatanungin namin si Aiken papayag talaga iyon at kaya nyang ipagliban yung pag aaral nya pero ayaw naming maabala pa si Aiken." Sagot ni Uncle Alfredo sa tanong ko. Napaisip naman ako nang pwede nilang gawin. Natahimik rin sila mukang nag isip isip rin.

"Buti na lang, Ice nakapunta ka dito..." Pambabasag ni Auntie Analine sa katahimikan.

"Wala naman ako ginagawa eh. And mas narerelax ako dito kaya pumunta na ako." Sagot ko. "Isasama ko sana yung D Siblings and G siblings kaso si Dion nasa school pa daw eh. Si Nica nasa training pa. Si Dy wala sa bahay nila. Si Gio may kadate daw. Si Gwen busy sa shooting but tinext ni Ken kanina. Sabi susunod daw sila dito." Mahabang sabi ko. Napatango naman sila Uncle Alfredo at Auntie Analine.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now