CHAPTER 52

6 0 0
                                    

HIS WORD.

MILLICENT POV.
"Grabe! Nakakastress... Ang dami namang pinapagawa ni Dean satin. Marami naman tayong officer pero tayong tatlo lang yung pinapa- hirapan." Reklamo ni Cheilla nung paglabas namin nang office ni Dean.

Napadalas kasi ang meeting ni Dean at kung minsan ay kinakailangan kami kaya para daw hindi na tawag nang tawag samin ni Rhoine sinasama nya agad kami.

"Okay lang yan... Ayaw mo non lagi tayong magkasama." Nakangiting sabi ni Rhoine at inakbayan si Cheilla. Napailing at napairap na lang ako sa dalawa. At ayun nga, hanggang sa makarating kami ng SSG Room ay naghaharutan na sila.

Ginagawa at inasikaso lang naman namin yung mga nakaassign samin na gawain. Madami iyon at may mga school works pa na binigay samin kaya medyo nakakastress at sobrang busy namin.

The whole day puro pagsasagot, pagtatype, pagsusulat at pagchecheck lang ang ginawa ko. Dahil don buong araw rin akong nasa campus lang pero dahil may ginagawa nasa SSG Room lang ako.

Ngayon alam kong masyado akong gagabihin kaya nagdala na ako nang gamit para dito na lang matulog. Ganon rin naman sila Cheilla kaya may kasama ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko at dahil sobrang tahimik namin halos mapatalon kaming lahat sa gulat.

"Jusko, Mill! Aatakehin ako sayo!" Gulat na sabi ni Cheilla. Humagikgik ako at kinuha ko yung cellphone ko.

"Uh?" Napatingin ako sa wrist watch ko. Hindi pa naman oras nang uwian nila ah, bakit bigla itong napatawag ngayon?

"Pahangin lang muna ako, guys." Paalam ko sa kanila bago tumayo at lumabas.

["Yow, luv!"] Masiglang bati nya.

"Ehhh? Luv?" Kunot noong tanong ko habang naglalakad papunta sa rooftop. Kita ko ang mga titig nung mga estudyanteng nakakasalubong ko sakin, tipid ko lang naman silang nginingitian.

["Are you... Busy?"] Mabagal na tanong nya.

"A bit... Wae?" Sagot ko agad sa kanya.

Sumandal lang ako sa railings at tinignan ko lang yung tanawin nung nasa rooftop na ako.

["Nothing..."] Rinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

["Wala naman. Anyway, pupunta na akong ibang bansa."] Napatuwid ako nang pagkakatayo nung sabihin nya iyon.

"Ano?!" Halos pasigaw na sabi ko. Bahagya naman akong umubo para maayos yung tono nang boses ko. "I mean... Ano? Bakit?"

["I have an offer. Better work. Sa abroad. Pagkagraduate ipapadala na nila ako. Which is... Next year."] Napatango-tango naman sa paliwanag nya.

"Ahhh..." Yun lang ang nasabi ko.

["Bakit namimiss mo na ba agad yung Kuya mo?"] Kahit hindi ko sya nakikita alam kong nakangisi na ang isang ito.

"Tss. Kuya ka dyan. Asa ka! You're still not qualified pa as my Kuya no!" Mataray na sabi ko at ngumuso.

["As you say so..."] Panunuya nya. Napairap na lang ako. Pagtingin ko sa baba nakita ko si Nik. Nakatayo sya sa tapat nung building namin at kausap nya si Moch. Umirap ako muli at nag iwas nang tingin.

"Alam na ba yan nung girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya nung maalala ko yung girlfriend nya dahil sa nakita.

["Yeah... Actually, sasama sya sakin."] Sabi ni Lucas.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon