CHAPTER 59

8 0 0
                                    

BROTHER.

MILLICENT POV.
"Are you busy?" Tanong ni Lala kaya napahinto ako sa pag scroll sa laptop ko at napalingon ako sa kanya.

"No... Why, Lala?" Sagot ko naman. Tumango sya at tinignan ang ginagawa ko sa laptop ko. Nilahad ko naman sa kanya para mas makita nya nang maayos. "Just checking my social media accounts." Paliwanag ko.

"Hindi ba pupunta ang mga kaibigan mo?" Tanong ni Lala at naupo sa kama ko kaya bumangon na ako at naupo na lang din sa tabi nya.

"Mamayang hapon pa daw po. Kasabay ni Nik." Sagot ko. May inaasikaso kasi si Nik sa kompanya nila kaya hindi sya makakapunta ngayong umaga. Busy rin naman sa trabaho yung mga kaibigan namin pero sasama naman sila kay Clarisse mamaya. Pupunta si Clarisse para sa mga dress na pagpipilian ko. Sabay- sabay na daw silang pupunta. At dahil nakaleave ako sa trabaho, wala tuloy akong magawa ngayon.

"Gusto ko sanang magpasama sayo... Alam mo na may usual things. Gusto rin kitang makasama dahil baka kapag nag asawa ka na ay hindi na natin magawa ito." Sabi naman ni Lala. Ngumiti naman ako sa kanya at niyakap sya.

"Lala, syempre naman pwede pa rin nating gawin yan." Malambing na sabi ko sa kanya. Kumalas na ako sa yakap at tumakbo papunta sa bathroom. "Magbibihis na ako. Anyway, saan tayo pupunta?" Tanong ko nung nasa pintuan na ako nang bathroom.

"Uhm... Mall, orphan, church, etc..." Nag isip pa si Lala kung saan saan pa.

"So, random. Okay... Mag aayos na ako." Nakangiting sabi ko at sinarado na yung pinto para makapag ayos na ako. Dahil marami akong kaek ekan sa katawan natagalan ako sa pag aayos sa aking sarili.

Wala na si Lala sa kwarto ko nung lumabas ako sa bathroom. Siguro sa sala na lang naghintay sakin. Sandali ko pang tinignan ang sarili ko sa salamin bago pumunta na sa sala. Naabutan ko si Lala na kausap ang kasambahay. Mukang nagbibilin...

"Are you done, iha?" Tanong nya nung makita ako.

"Yes, Lala. Let's go?" Anyaya ko. Tumango naman sya at kinuha nya yung bag nya.

"Kayo nang bahala..." Bilin nya pa sa mga kasambahay namin bago kami umalis. Mabilis naman na tumango at sumagot ang mga ito sa kanya.

Unang pumunta kami sa mga orpahange na madalas puntahan nila Lala para magdonate at bumisita. Like the usual, marami syang kinausap at hindi naman ako mahilig makipag- socialize kaya matapos magpakilala at bumati ay umalis na ako at sa park na lang ng orphanage na nanatili.

Mainit at maaraw pero dahil may kasama akong bodyguard may nagpapayong at nagpapaypay sakin para hindi ako masyadong mainitan. Nung nakaupo na ako sa upuan na naroon ay kinuha ko yung cellphone ko sa aking bag para matext ko si Nik para sa gagawin ko ngayon.

ME: Hey! Umalis ako nang bahay now.

Hindi nagtagal ay agad na tumunog ang cellphone dahil sa text ni Nik. Akala ko matatagalan ang pag reply nya dahil may ginagawa sya pero hindi naman. Actually, wala pa ngang isang minuto nung nagtext ako pero nakapag reply na sya agad.

BOO💙(ANG): May lakad ka? Saan?

ME: Sasamahan ko lang si |

Natigil ako sa pagtipa at ngumisi nung may naisip na kalokohan.

ME: Maghahanap ng bagong fiance. Yung hindi talaga ako papakawalan kahit nandyan yung tatay ko.

Bahagya akong natawa sa sarili ko nung naisend ko sa kanya yon. Nagulat naman ako nung bigla syang tumawag.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora