CHAPTER 5

13 1 0
                                    

PHOTOSHOOT.



MILLICENT POV.

Nang makita ako ni Jewel agad siyang tumayo at lumapit sa'kin. Nagtuloy-tuloy lang naman ako sa paglalakad.

"Miss Miles, your schedule for today are meeting with Mr. Flores. Also a meeting with Mr. and Mrs. De Guzman. You have a lunch meeting with your High School classmates for reunion na magaganap daw next next month. Gusto din pong makipag dinner ng Dad niyo sa inyo." Huminto ako sa paglalakad dahil sa huling sinabi niya na once in a blue moon ko lang naririnig.

"Are you sure na si Dad ko talaga 'yong gustong makipag dinner sa'kin?" paninigurado ko.

"Yes po," mabilis na sagot niya naman.

"Plastic." Ano namang naisip no'n at nakikipag dinner sa'kin? "Cancel that dinner." Dahil alam ko namang mag aaway lang kami kapag tumuloy pa ako.

"Pinapatanong po ni Sir Dylan kung makakasama daw po ba kayo sa kanya papuntang France for his business trip?" sabi ni Jewel habang pumapasok kami sa opisina ko.

"No. Pakisabi hindi ako available dahil magsisimula na tayo sa photoshoot kaya magsama na lang siya nang iba," sambit ko. Tumango naman siya at may tinext. "And cancel the lunch meeting. Pakisabi may gagawin ako. Kaya na naman nila iyon." Tumango ulit siya.

"You can leave now," utos ko sa kanya.

"Sige po, Miss Miles." Napatingin siya sa kapatid niya na umupo pa talaga sa couch.

"Hindi ko alam kung saan ako mag stay kaya dito muna ako," sabi ni Adams sa ate niya.

"Just behave, okay?" rinig kong bulong ni Jewel sa kanya bago siya tuluyang umalis. Umirap ako at tinanggal ko 'yong coat na suot ko bago ako naupo sa swivel chair ko. Binuksan ko agad 'yong laptop ko.

"May room na available sa kabila. You can stay there," seryosong sabi ko habang nakatutok na sa laptop dahil hindi ako sanay na may ibang tao sa opisina ko.

"Okay," sabi niya. Pagtingin ko sa kanya ay nakaupo pa rin siya doon at may katext pa ito. Hindi ko na lang siya pinansin at ginawa ko na 'yong mga trabaho ko.

Nagreply ako sa mga emails. Nagcheck at pinirmahan ko rin ang mga papeles na nasa desk ko. Halos sunud-sunod rin ang tumatawag sa telepono ko kaya habang nagtatype ako ay may kausap ako sa telepono.

Nung matapos ako sa pakikipag usap sa tumatawag sinarado ko na 'yong laptop ko at tumayo na.

"Leaving?" tanong niya nung mapansin niyang nag aayos na ako.

"I have meeting for today. Kapag may kailangan ka, just tell Jewel," sabi ko habang isusuot ko 'yong coat ko.

"Pwede kang magstay sa kabilang room pero kung gusto mo dito, you can also stay here. Just do what you want," sabi ko pa sa kanya. Kinuha ko 'yong bag ko at naglakad na palabas.

Sa buong araw na 'yon pinuntahan ko lang 'yong mga meeting na kailangan kong puntahan. Nung matapos ako sa meeting ay bumalik naman ako agad sa kompanya.

"Hay!" sabi ko at padarag na naupo sa swivel chair ko. Wala na si Adams sa opisina ko, for sure, nasa kabilang room 'yon.

"Miss Miles, Here's your juice," sabi ni Jewel at may binabang baso na may laman orange juice.

"Hindi ako nagpapadala ng juice," sambit ko sa kanya.

"Sabi po ni Nik nagpapadala daw kayo," Kumunot yung noo ko at napabuntong hininga ako.

"Fine, but I hate orange," mariing sabi ko habang tinitigan 'yong juice na dinala niya. "Can you give me pineapple juice instead? And give this to him," sabi ko pa.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon