CHAPTER 44

2 0 0
                                    

PRACTICE

MILLICENT POV.
Simula nung sumali kami ni Lily nakasanayan na ko na rin ang pagsali sa mga contest. Kung minsan nanalo, minsan rin naman natatalo pero nakakakuha rin naman ako ng mga special awards.

Wala naman kaso sakin kung matalo ako at least sinubukan ko diba? It's okay to try something and lose than regret it for not trying. And that's part of our life. Sometimes you will win, sometimes you will lose but atleast you earning lesson.

Now that I'm 3rd year, Nik and I are still together but we still hiding our relationship from the people who wants us to be apart.

Sa paglipas nang panahon walang araw na hindi sinubukan ni Lucas na amuhin ako but masyado nga siguro akong matigas kaya until now, I don't accept him as my brother and I'm still cold at him. At habang nakikialam pa rin sya sa relasyon namin ni Nik hindi na talaga kami magkakasundo na dalawa. Lagi nyang kinakausap si Nik at binabantaan minsan naman sumusunod yung isa. Hay nako!

Okay na sakin na anak sya ni Dad sa ibang babae but ang pagiging pakialamero nya ang hindi ko nagugustuhan kaya hanggang ngayon hindi maayos ang trato ko sa kanya.

And last month lang umalis na talaga sya sa bahay. Tuluyan nya na ring tinanggihan ang mga offer ni Dad sa kanya. Hindi na rin naman sya pinilit ni Dad. He's living in his own now but still hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya.

Sa mga taon rin na yon hindi na umuwi si Lala nang Pinas. Lagi lang syang nasa ibang bansa but madalas naman syang makipag video call sakin kaya kahit papaano ay nakakausap ko pa rin sya. Mas narerelax daw sya roon kaya mas nagugustuhan nyang manatili sa ibang bansa.

Si Marv naman lagi pa ring nakabuntot at nakasama sakin. Hindi pa rin nawawala ang selos ni Nik sa kanya kahit kasi sinabi namin sa kanya na bakla ito hindi pa rin sya naniniwala but nasasanay na rin naman sya kaya nagiging okay na rin sa kanya ang pagsama ni Marv sakin.

Naging malapit rin ako sa mga kaibigan ni Nik but except kay Sharon na madalas lang akong tarayan pero hindi ko na lang sya pinapansin dahil baka ganon lang talaga sya. Naka- kasama na rin namin madalas si Lily at Clary dahil girlfriend na ni Marco si Lily.

May mga nakilala at nakasundo rin ako na FA students rin dahil madalas na raw nila akong napapansin at naging kaklase ko na rin sila sa ibang subject. Yung iba naman sa kanila kasama ko sa club kaya nagkakasundo kami at maraming nagiging topic na pinag uusapan.

"Hay naku! Napadami na naman yung pagkain ko kanina kaya ngayon pahirapan na naman ako." Reklamo ni Melanie. Isa rin syang FA student pero hindi kami same ng school na pinapasukan. Nakilala ko sya dahil minsan ko na syang nakalaban sa contest. Unang kita ko pa lang sa kanya ramdam ko na agad ang pagiging maarte nya but she's friendly and same kami ng course kaya kahit papaano nagkakasundo kami.

Simula nung inapproach nya ako sa contest naging gym buddy na rin kami. Tinatawagan nya pa ako kung minsan pinupuntahan nya pa ako sa bahay para lang magsabay sa pagwoworkout.

"Ang takaw mo kasi eh!" Pang aasar nung boyfriend at ngumisi pa ito. Mabilis nya namang sinipa ito.

"Ewan ko sayo! Hay naku! Lumayas ka nga dito." Iritang sabi nya rito at hinawi nya pa ang buhok nya.

Nakangisi lang syang pinag masdan nito. Sanay na ako sa bangayan nila. Madalas ko kasi napapanood yon. Sobrang arte at pikon kasi ni Melanie samantalang ang boyfriend nya naman ay sobrang mapang asar naman but sweet at mahal na mahal sya kaya kahit baliw si Melanie napapag tyagaan nya.

"Umalis ka na nga lang. Bantayan mo si Stacie baka mamaya maloko na naman yon nila Rence." Inis na sabi nya. Rex groaned and rolled his eyes.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now