CHAPTER 17

5 0 0
                                    

BIRTHDAY.



MILLICENT POV.
"Bakit ba kasi ang hilig mong mangialam? Bakit ba lagi mo na lang pinapakialaman yung mga ginagawa ko? This is my life. So, I will do what I want. Not what you want!" Sabi ko habang diretso pa rin sa paglalakad pero hinawakan nya ako sa braso at pinaharap nya sa kanya.

"This is all for your own good. At hindi sya makakabuti para sayo. Makipaghiwalay ka sa kanya at iwasan mo ang lalaki iyon." Ayan na naman sya kaya ayokong nalalaman nya na may boyfriend ako eh.

"Hindi sya makakabuti?! Bakit?? Dahil hindi sya pinanganak na mayaman tulad ko? At ano ang makakabuti para sakin, Dad? Ang magpakasal ako sa taong hindi ko naman mahal! Para sa business! Ganon ba?!" May inis na sabi ko at inalis yung pagkakahawak nya sa braso ko.

"Iwasan mo sya." Mariing sabi nya at matalim akong tinignan.

"AYOKO." Matapang na sabi ko.

"I told you na iwasan mo sya! Ang tigas nang ulo mo! Bakit hindi ka na lang makinig sakin?!" Umirap ako. May ulo bang malabo?

"Well, sorry! Sarado kasi yung pandinig ko pagdating sa mga taong kagaya mo!" Sarcastic na sabi ko at nagcross arm.

"Talaga bang ganya ka na kabastos?! Hindi ka marunong sumunod!" Sigaw nya at tinuro pa ako. Hinawi ko yung kamay nya.

"Bakit?! Ikaw ba marunong umintindi?!" Sigaw ko pabalik. Sinampal nya ako agad dahil sa sinabi ko.

"Kung alam ko lang na magiging ganyan ka. Sana hindi na lang kita binuhay! Dahil hindi ko kailan man ginusto na magkaroon ng anak na kagaya mo!" Ngumisi ako kahit na nasaktan ako sa mga sinabi nya. Nakangiti ko syang tinignan.

"Sana nga!" Mariin na sabi ko at nilayasan na lang sya.

Pumunta ako sa hospital. Naupo ako sa upuan nung makarating ako sa room nya. Pinagmasdan ko sya...

"Gumising ka na. Please... Napapagod na ako..." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

Naalala ko tuwing ganito lagi syang nandyan para sakin. Pinoprotektahan at pinagtatanggol nya ako kay Dad tuwing nag aaway kami.

Noon pa man hindi na kami magkasundo ni Dad dahil lagi nyang kinokontrol yung buhay ko at ayoko nang ganon pero mas nagalit ako sa kanya nung nalaman ko na nambabae sya kay Mom. I hates cheater.

Lagi nandyan si Mom para sakin. Sa tuwing umiiyak ako, sya ang tiga punas ko ng mga luha ko. Sinusuppurtahan nya ako sa mga gusto ko. Sa boyfriend ko bukod sa mga pinsan ko, sya lang ang sumuppurtahn sa relasyon namin. Dahil sa kanya kaya natanggap kami ni Lala Miz.

Kahit hindi gusto ni Mom na magmanage nang company ginawa nya pa rin para matulungan si Dad at para hindi ito maipasa sakin ni Dad. Mas gusto nyang gawin ko kung ano ang pangarap ko kesa ang magpakontrol sa aking ama.

Until the day come.... When I become her hater. Napuno nang galit ang puso ko nung nalaman ko na pati pala sya may iba. Pati pala sya manloloko.

My mother have a mistress too. Umalis ito sa bahay para sumama sa kabit nya at magpakalayo- layo. Bumabagyo nung araw na umalis sya kasama ang lalaki nya that tragedy happens. Dahil sa bagyo lumubog ang barkong gamit nila.

Namatay yung lalaki nya. Nakasurvive at nabuhay naman sya kaya nga lang simula nung nakuha sya nang rescue team hindi na sya dumilat at nagising pa. Hindi sya gumigising na para bang ayaw nya na talagang mabuhay.

Nung nalaman ko na may kabit sila parehas ko silang kinamuhian ni Dad. Dahil hindi ko maintindihan kung bakit...

Bakit nilang nagagawang magloko? Bakit kailangan pa nilang maghanap nang iba? Kung hindi naman pala nila mahal ang isa't isa, bakit kailangan pa nilang magpakasal? Bakit nangako pa sila sa isa't isa? Bakit binuhay pa nila ako? Para ano? Para magdusa ako? Para masaktan ako?

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن