CHAPTER 31

3 0 0
                                    

EXCHANGE.

MILLICENT POV.
Natauhan ako nung makita ko si Marv na papalapit sa amin. Nakangisi pa ito sakin. Umirap ako at binalingan si Nicholas.

"I don't believe you... Everybody knows that you are a playboy. And besides, Hindi ako katulad nang mga babae mo." Sabi ko at mabilis na umalis roon. Napasandal ako sa pintuan nang classroom na pinasukan ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Damn it!

Pinilig ko yung ulo ko at bumuntong hininga bago umalis roon para hanapin si Rhoine.

"Uy! Ano yon ah? Oh my gosh! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Ackkk! Krekkkkk!" Napairap na lang ako.

"Rhoine!" Tawag ko kay Rhoine at nilapitan sya. Nagtaas sya nang kilay at ngumiti sakin. "Nakaready na ba yung mga magpeperform? And the host? Nakaprepare na ba sila?" Sunud- sunod na tanong ko sa kanya. May binigay sya papel sakin. Kinuha ko naman iyon kahit na wala akong ideya kung ano iyon.

Nagsimula na syang maglakad kaya sumunod na lang ako sa kanya.

"Nakaready na yung mga magpeperform at si Alex. Si Sharon naman nasa restroom pa. Nagbibihis pa lang." Sagot nya sa tanong ko kanina. Napatango naman ako sa sagot nya. "Pero baka matatapos na rin iyon." Lagi naman syang nahuhuli eh. So, what's the new? "Then, yan naman yung script nila just in case na magkaproblema sila pwede natin silang palitan. But for emergency purpose lang naman yan. I don't think na magkaka- problema sila. Takot kaya silang madiwaraan mo." Sabi nya at ngumisi pa nung sinabi yung huling katagang. Nangiti naman ako at hinampas nya nung papel na hawak ko.

"Duh. Si Sharon kaya hindi takot sakin." Sabi ko sa kanya at bumuntong hininga.

"Kala mo lang..." Sabi nya habang nakangisi pa rin. Napairap na lang ako at napailing. Napalingon ako kay Marv nung mapansin na parang may binubulong- buong sya. Naabutan ko syang nagmamake face pero ngumiti sakin nung makita nyang nakatingin ako sa kanya. Nagtaas ako nang kilay sa kanya pero mas ngumiti lang sya sakin.

"Dito na lang tayo para malapit lang tayo sa host. For sure kasi nasa crowd lang yung mga ibang officer since president ako at VP mas mainam na dito tayo sa malapit para may back up sila kung magkakaproblema man." Sabi ni Rhoine. Sumang ayon lang ako sa sinabi nya. "Wait lang. Kukuha lang ako nang upuan natin. Marvine, tatabi ka ba samin?" Sabi at tanong nya kay Marv.

"Oo naman noh. Samahan na kita fafa." Pinandilatan ko si Marv dahil sa kaharutan nya pero ngumisi lang ito sakin. Natawa naman si Rhoine at hinayaan na lang si Marv na sumama sa kanya.

Hindi naman sila nagtagal nakabalik rin sila agad kaya nakaupo rin. Nasa gitna nila akong dalawa.

Dumami na rin yung mga taong nanonood at dumating na rin naman yung dalawang host kaya nagsimula na rin ang programa.

"Good morning wonderful people! For the students from another university, welcome to our campus! Enjoy your staying here. By the way, I'm Mc Alexandro and I'm with Ms...." Masiglang pagsisimula ni Alex habang malapad at matamis na nakangiti.

Kita ko kung paano naghiyawan at nagwala ang mga kababaihan na nanonood. May mga grupo din nang kalalakihan sumisigaw na 'Pare ko yan!' 'Aba! Baka escort namin yarn!' 'Ang gwapo naman nang boyfie namin!'. Napapangiti na lang ako napapailing habang pinagmasdan ang mga estudyante masayang nanonood at pati ang mga guro ay napapangiti na lang sa mga nakikita at naririnig.

"Ms. Sharon ang dyosa inyong lahat! Oh! Oh! Wag na kayong umangal. Ang aangal titirisin ko HAHAHA..." Ngiting- ngiti at proud na proud na pagbabanta ni Sharon nung tinuro na sya ni Alex. Mas lalong lumakas ang hiyawan at may sumipol pa.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz