CHAPTER 42

3 0 0
                                    

SECRET.



MILLICENT POV.
"Welcome backkkk, sweetie/darling!" Masayang sigaw ni Mom at Lala nung pumasok ako nang bahay. Sinalubong agad nila ako nang mahigpit na yakap. Niyakap ko naman sila pabalik.

"Did you enjoy your vacation, Millicent?" Tanong ni Dad at humalik naman sya sakin. Kita ko naman si Lucas na nakaupo sa sofa. Ngumiti sakin at tinanguan ako. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Yes, Dad." Sagot ko sa tanong ni Dad.

"That's good." Napapatangong sabi ni Dad at tipid na ngumiti.

"Anyway, kumain ka na ba?" Tanong ni Lala sakin habang nakakapit sya sa braso ko.

"Kumain po kami bago umuwi." Sagot ko at naupo sa sofa kaya naupo rin sila. Inakyat naman ng mga kasamabahay yung dala kong gamit.

"Sino nga pala yung kasama mo? It's a guy, right? Nakita sa post mo." Boyfriend mo ba yon?" Nakangiting sabi ni Mom.

"Yes—"

"Boyfriend mo? Nag aaral ba yan ng business?" Tanong naman ni Dad na agad na nagpairap kay Mom.

"Hayaan mo na nga sya sa gusto nya, Guel! Kung gusto nyang mag- boyfriend ng hindi nag aaral ng business, huwag mo nang paki- alaman pa." Mataray na sabi ni Mom kay Dad habang tinitignan ito nang matalim.

"Hindi ko naman ito ginagawa dahil gusto ko lang mangialam. I just want to make sure na maayos ang magiging future nya kasama ang lalaking mamahalin nya." Sabi ni Dad. Umirap pa muli si Mom.

"And do you really think na mahal nya ang mga lalaki na gusto mo para sa kanya?! At sa tingin mo, mamahalin sya nang lalaki yon?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Mom kay Dad.

"She can learn it. They can learn it." Nananatiling mahinahon si Dad.

"Mom... Dad..." Tawag ko sa kanila para natigil na sila ngunit walang gusto tumigil.

"Ah! Just like us?!" Napabuntong hininga ako at nasapo ko yung noo ko.

"Darling, let's go outside... Dun na lang tayo mag usap." Sabi ni Lala Miz. Sumang ayon naman ako at tumayo na. "Lucas, iho, You should come with us. At kayong dalawa naman, stay here. Don't you dare come with us!" Strikta na sambit ni Lala at pinandilatan sila Mom at Dad.

Pagkatapos nyang bantaan sila Mom ay hinila nya na ako papuntang garden. Samantalang nakasunod lang naman si Lucas samin.

"Nako! Yung dalawa talaga na yon kahit kailan sakit sa ulo. Kundi dahil talaga sa inyo hindi ako mananatili dito sa Pilipinas." Sabi ni Lala nung makaupo na kami sa upuan na nasa garden. Napatingin ako kay Lala at nagtaas ng kilay.

"What?" Kunwaring tanong ni Lala kaya ngumiti ako. "Uh... I just realize that... Lucas is better than your father. So, there's nothing wrong to accept him in this family. I know your Lolo would do the same when he's still alive." Sabi ni Lala at saglit na tumingin sa tahimik na si Lucas.

Bumuntong hininga ako at tumingin rin kay Lucas na kanina pa pala nakatingin sakin.

"Anyway iho, sigurado ka ba na hindi mo tatanggapin yung offer ni Miguel?" Tanong ni Lala kay Lucas. Nagtaas ako nang kilay at napabaling kay Lucas na nag iwas na nang tingin.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now