CHAPTER 47

2 0 0
                                    

GAME.

MILLICENT POV.
"Yan nga ba ang sinasabi ko sayo, Millicent. Nakinig ka ba? Ano ngayon napala mo? Sinaktan ka lang nya, hindi ba?" Napapailing na sabi ni Dad habang nakahalukipkip sa harapan ko.

Bumuntong hininga lang ako. Hindi ko na sya sinagot pa at tumakbo na lang ako papunta sa kwarto ko. Sinarado ko yon.

"Ahhh!" Sabi ko at hinawi ko lahat nang gamit na nakikita ko.

"Millicent! Millicent open this door..." Nag aalalang sabi ni Mom habang kinakatok yung pinto. Umiling ako at hinayaan kong lumandas ang mga luha sa aking pisngi.

"No!" Sigaw ko. Pinunasan ko yung mga luha ko at kinuha ko yung cellphone ko para maitext ko sya.

ME: Let's talk again. Please...

Hinintay kong magreply sya pero wala. Umiling ako nagtipa ulit ng text para sa kanya.

ME: Nik... Please. Pag usapan natin toh. Ayusin natin. Please...

BOO (ANG)💙: Wala na tayong pag uusapan pa. Wala na akong sasabihin pa sayo dahil tinapos ko na ang lahat kanina.

ME: Ano? Ganon na lang ba yon? Huh?

BOO (ANG)💙: I already told the game is over. So, we're over too.

ME: What I need to do to make it real? I will do everything. Anything... Please...

Hindi na sya nagreply pa kaya nagtipa pa muli ako.

ME: Ano ba ang kulang, Nik? Anong kailangan kong gawin?

ME: Nik... Wag naman ganito...

Lumalandas ang mga luha ko habang nagtatype ako pero hindi na talaga sya nagreply pa. Binato ko yung cellphone dahil sa frustration na nararamdaman ko.

"Millicent! Anong nangyayari dyan? Please... Open this." Sabi ni Mom habang kinakatok pa rin yung pintuan.

"Go away! Leave me alone! I don't need you! Iwanan nyo na lang ako!" Umiiyak na sigaw ko. Napaluhod na lang ako nung hindi ko na nakayanan at hinayaan ko na lang na tumulo ang mga luha ko nung muling lumandas sa isipan ko ang nangyari kanina.

Ilang beses at oras ko nang tinatawagan si Nik pero hindi nya sinasagot ang mga tawag ko.

"Fvck!" Nung hindi nya pa rin sinagot yung tawag ko. Kaya tinext ko na lang sya.

ME: Where are you? We need to talk.

Ilang oras ko pang tinitigan iyon pero wala syang naging reply sa text ko.

"Hindi ko mahanap si Nik, mah ghurl. Ayaw rin sumagot sa mga chat at tawag ko. Yung kaibigan nya kaya? Na subukan mo na?" Si Marv na kakarating lang sa tabi ko. Umiling lang ako. Handa na akong tawagan si Clarisse o si Lily pero nakita ko si Clarisse at Loone na nagmamadali sa paglalakad.

Mabilis ako lumapit sa kanila. Halos takbuhin ko na yung distansya namin.

"Clarisse! Wait..." Tawag ko kaya napahinto sila sa paglalakad. Ilang sandali pa silang nanatiling nakatalikod sakin bago nila ako nakangiti na hinarap.

"Miles... Hey! What's up? Kamusta na?" Nakangiting bati ni Clarisse pero ramdam ko ang pagkakailang nya nung tinignan nya ako kaya nag iwas ito agad nang tingin sakin.

"Si Nik—" Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nung sumagot na agad si Loone.

"Hi-hindi namin alam. Baka nandon lang sa classroom nila." Kita ko ang bahagyang pagsiko ni Clarisse sa kanya pero nung napansin nyang nakatitig ako roon ngumiti lang sya sakin. "Ah. Sige. Alis na kami." Sabi ni Loone at mabilis na tumalikod.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon