CHAPTER 54

7 0 0
                                    

HAPPY.

MILLICENT POV.
After that day, we always been together. Lumipat na rin sya sa online kaya sabay kami sa condo nya na nag- oonline class. Dahil ayaw ko pang  umuwi, doon muna ako nananatili sa condo nya but doon naman sya sa kabilang unit. Ayokong palayasin o palipatin sya sa condo nya but he insisted.

That time, lagi lang kaming masaya but syempre hindi pa rin nawawala yung selosan at tampuhan. Lagi pa rin akong nagseselos kapag may babaeng umaaligid sa kanya, ganon rin naman sya pero hindi nya tinatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos kaya kahit sobrang nagtatampo sya sa akin susuyuin nya pa rin talaga ako para lang magkaayos kami.

Lahat nang events, cinelebrate namin nang magkasama. Malapit pa rin naman ako sa pamilya nya pero hindi na namin sila masyadong nakakasama dahil sabi ni Nik busy ang mga ito sa business nila.

4th year na ako nung lumipat ulit ako sa traditional learning kaya balik ako sa pagpasok sa campus at nanatili pa rin naman akong SSG officer. Mukang wala atang balak si Dean napalitan ako. Okay lang naman sa akin, dahil kahit papaano ay nag eenjoy rin naman ako pero unlike before nagiging strikta na ulit ako ngayon dahil graduate na ang iba sa officer kay nagkaroon na nang bagong officer. Graduate na din sila Nik kaya hindi ko masyadong nagugustuhan ang pagpasok sa campus pero dahil kay Marv nanatili pa rin ako sa traditional learning.

Kahit na busy sa pagrereview at pagpapart time si Nik ay hindi naman sya nauubusan ng time para sa akin.

Madalas pa rin naman kaming magkasama ni Marv. Marami syang kaibigan pero ako ang lagi nyang sinasamahan at inistorbo. Hindi ko na nakakasama sila Lily o Clarisse.

Hindi naman naging mahirap sakin ang buong school year. Dahil papagraduate na mas marami na yung pinapagawa sa amin pero kinakaya ko naman ang mga ito.

Sa sobrang saya ko, hindi ko napapansin na nagkakaproblema na pala sila Mom at Dad sa bahay. Nung umuwi ako, naabutan ko silang nagtatalo pero nung nagtanong naman ako kay Mom ay iniiba nya lang naman ang topic.

"Baka naman sa kompanya?" Sabi ni Nik nung isang araw na mapag- usapan namin ang tungkol sa pagtatalo nila Mom at Dad.

"I don't think so. Sabi nila Uncle, maayos naman daw." Sabi ko at nag isip nang pwedeng maging problema nila Mom. May naiisip ako pero hindi pwede iyon dahil ang alam tigil na sila. "Hindi kaya may kabit na naman ang isa sa kanila?" Sambit ko sa naiisip ko. Humigpit ang yakap ni Nik sa akin.

"Hindi naman siguro, boo... Hayaan mo aalamin ko yan. Ako nang bahala, ikaw naman ay magfocus ka lang sa pag aaral mo, okay?" Sabi nya at bahagyang niyugyog ako.

"Opo, Daddy..." Panunuya ko. Bahagya naman syang natawa at mas hinigpitan nya yung pagkakayakap sakin.

Tulad nang sabi ni Nik hindi ko na masyadong inisip ang problema sa bahay at nag focus na lang ako sa pag-aaral.

Mabilis lang lumipas ang panahon. Pagkagraduate namin ni Marv ay agad syang nawala at nabalitaan ko na lang na nasa ibang bansa na ito. Samantalang ako ay agad na nag- apply sa International Airport na pinapasukan ni Nik.

"Ano raw?" Tanong nya nung makalabas ako sa opisina nung nag- interview sakin. "Hindi pasok?" Nag-aalalang tanong nya nung makita nya ang malungkot kong mukha. Hinawakan nya pa ang kamay ko.

"Syempre, pasok!" Masiglang sabi ko. "Start na daw next week! Woh!" Masayang sabi ko pa. Agad naman syang napahiyaw sa tuwa at niyakap ako.

Kahit next week pa ako magsisimula ay hinanda ko na agad ang mga gagamitin at kakailanganin ko.

Since parehas naman kami nang pinapasukan ni Nik ay sabay na rin kaming pumapasok at umuuwi pero syempre kahit na hindi naman namin tinatago yung relasyon namin hindi pa rin naman namin ito masyadong pinapahalata kaya kapag nasa work kami ay casual lang.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now