CHAPTER 18

3 0 0
                                    

SO SARCASTIC.



MILLICENT POV.
"Hay nako ate! Hindi ka namin makontak kagabi. Aayain ka pa naman namin na kumain sa labas." Sabi ni Iyah at binaba yung sandwich sa gilid ng plato ko. Nandito kami ngayon sa bahay ni Dion para magbreakfast together. Maaga silang pumunta sa bahay para sunduin ako kaya hindi na ako nakatanggi sa kanila.

"Alam ko naman na magpapalibre lang kayo sakin eh." Sabi ko sa kanila.

"Exactly, biii..." Nakangiting sabi ni Gwen. Napailing na lang ako. Ang yayaman pero ang kukuripot naman. Hay!

"Pero infairness ang dami nagbigay sayo nang gifts ah..." Sabi ni Nica. "Kami yung nag uwi ng mga gifts na nasa opisina mo eh HAHAHA..." Kaya pala nasa kwarto ko na lahat ng mga iyon pagkauwi ko. Hindi ko pa nabubuksan ang mga yon. Tinatamad akong buksan dahil ang dami eh.

"Anyway, where's Ken?" Tanong ko nung mapansin na si Ken lang ang kulang samin.

"Nako! Hindi pa umuuwi si Kuya Ken..." Sabi ni Dy at ngumisi.

"Nagustuhan na don sa resort nya." Nakangising sabi naman ni Dion at uminom nang kape.

"Bakit? Because of the view?" Tanong ko at kinain yung sandwich.

"Hindi, Ate." Nakangiting sagot naman ni Gio. Nagtaas ako nang kilay. Lahat sila nakangiti. Seriously? Ako lang ba talaga yung walang idea sa nangyayari kay Ken ngayon?

"Ee si Soft? Bakit wala dito?" Tanong ko naman. Madalas kasi lagi naming kasama yon. Kahit na hindi naman namin kamag anak ang babaeng iyon basta pagganito kasama yon lagi ni Dy.

"Oo nga... Nasaan nga pala yon?" Sabi ni Gwen na mukang wala ring idea.

"Madalas nang hindi nakakasama yon pagmay ganito tayo ah..." Sabi naman ni Dion.

Nag iwas nang tingin si Dy nung tignan ko sya. Huh? Anong meron?

"Ah. Kasi mga Ate, Kuya... Busy kasi si Ate Soft ngayon. Lam nyo na yung boutique nya sikat kaya madalang na lang talaga sya nakakasama. Focus muna sya sa career nya ngayon." Mahabang sabi ni Iyah na para bang sya ang bestfriend nito. Tumango na lang ako at hindi na natanong pa tungkol kay Soft. I know, may something na nangyari.

"Nga pala Ate, mamaya na makukuha yung result. Samahan mo ako ah." Sabi ni Gio sakin.

"Sama din ako." Excited na sabi naman ni Iyah.

"Bawal. May pasok ka." Sabi ko sa kanya kaya napasimangot naman sya.

"Kawawa naman..." Pang aasar ni Dion at pinisil pa yung pisngi ni Iyah kaya mas sumimangot ito.

Napalingon kami sa pintuan nung may bumusina. Tumayo naman si Nica.

"Baka ayan na yung boyfie nya." Nakangiting sabi ni Gwen.

"Papasukin mo muna. Sabihin sa kanya magbreakfast muna sya." Nakangising sabi ni Dion sa kapatid.

"Kuya..." Pinandilatan nya pa ang Kuya nya.

"Papasukin mo na." Sabi ni Dy at tumingin sa kapatid.

"Oo nga, Nica, papasukin mo na para naman makilala namin sya." Sabi ko kay Nica. Mas lumawak naman ang ngisi ng mga pinsan ko dahil sa pagsasalita ko. Bumuntong hininga naman si Nica.

"Okay po, Ate..." Sabi nya bago naglakad palabas.

"Ate Miles lang malakas." Natatawang sabi ni Iyah.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon