CHAPTER 56

5 0 0
                                    

I'LL NEVER GO.


MILLICENT POV.
Habang lumilipas ang araw ay mas dumadami ang ginagawa sa kompanya at mas dumadami ang projects namin kaya ilang linggo rin akong busy sa trabaho pero kahit na busy ay nakagawa naman ako nang paraan para makasama sa church wedding nila Jewel at Marlone.

"Congrats, sa inyo!" Nakangiting sabi ko sa kanila ni Marlone at parehas akong bumeso sa kanila. Sumama rin ako sa reception pero hindi nga lang nagtagal masyado dahil may mga naiwan na trabaho sa opisina at wala pa naman si Jewel medyo marami rin ang gawain ko pero kaya naman.

Mas dumadami ang dapat gawin dahil wala si Jewel. Dalawang buwan ang hiningi nito na leave para sa honeymoon nila. Tinutulungan naman ako ni Nik at Marv kaya medyo gumagaan ang trabaho ko.

Kahit na busy ako at halos di lumalabas sa opisina ay napapansin ko rin ang kakaibang tingin nila Loone at Marco sakin kapag nakikita ko sila. Siguro akong nagkausap na silang magkakaibigan.

"Nandito na ako... Kumain ka na ba? Pinag luto kita ah." Sabi ko habang naglalakad papasok sa aking kompanya.

Saktong pagkababa ko kasi nang kotse tumawag na si Nik. Nung pumunta ako sa condo nya natutulog na sya hindi ko na ginising pa dahil alam ko puyat at pagod rin sya kaya pagkaluto ko ng breakfast nya ay umalis na rin ako agad.

["Kumakain na. Pumunta ka pala. Bakit hindi mo ako ginising?"] Tunog nagtatampo ang tono nya kaya bahagya akong natawa.

"I know you need to rest at mahimbing ang tulog mo kaya hindi na kita inabala pa." Sabi ko sa kanya at pumasok ako sa elevator. Ngumiti ako nung makitang nandon sila Loone at Marco.

["Sa susunod sayo ko naman gagawin yan."] Sabi nya naman.

"Asus! Kaya mo?" Hindi naman sya nakasagot kaya natawa na lang ako sa kanya. "Okay... Sorry na. Next time gigisingin na kita." Natatawang sabi ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga.

["Nagsosorry pero tumatawa..."] Bulung-bulong nya pa kaya mas natawa ako sa kanya.

"Okay, okay! I'm sorry..." Pilit kong sineryoso ang boses kahit na nakangiti pa rin naman ako.

["Fine... Apology accepted."]

"I'll hang up now, para makapag- handa ka na rin dyan. Magkita na po lang tayo mamaya, okay?" Malambing na paalam ko.

["Okay, okayy... Bye. I love you."] Malambing na rin na sabi nya. Ngumiti ako.

"I love you too... Take care, okay?" Bilin ko pa.

["Opo... Ikaw na mag end."] Sabi nya.

"Okay... Bye." Paalam ko pa muli bago pinatay yung tawag. Sakto namang pagkalagay ko ng cellphone sa bag ang pagbukas nang elevator kaya lumabas na rin ako roon.

Binabati naman ako ng mga empleyado at interns na nakaka- salubong ko kaya nginingitian ko lang sila at kinakawayan.

"Uh... Miles..." Rinig kong tawag ni Marco kaya nilingon ko sya at nagtaas ng kilay sa kanya bilang pagtatanong.

"Our friends wanted to have a dinner with you and Nikko." Sambit ni Loone. Ngumuso ako at tumango.

"Today?" Tanong ko at iniisip ko yung schedule na meron ako mamaya.

"If you're available lang..." Sabi ni Loone.

"I have meetings pa kasi and naconfirm ko na iyon baka kasi abutin ng anong oras ang mga yon. Uhm... Tomorrow na lang kaya?" Nagkatinginan naman yung dalawa at sabay na tumango.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon