CHAPTER 48

4 0 0
                                    

FRIEND.


MILLICENT POV.
Everything is miserable for me that time. My life fvck up too much.

Wala akong ibang ginagawa kundi ang magmukmok at umiyak lang sa aking kwarto. Hindi nakakatulong iyon para makaahon ako sa sakit pero mas sumasama lang ang loob ko kapag lumalabas ako. Wala akong ibang naririnig kundi ang sermon ni Dad at Lala kundi man ang pag aaway lang nila Mom at Dad. Kapag sa school naman hindi ko magawang sumaya dahil nakikita ko lang sya sa piling nang ibang babae.

I don't know if I can get up or should I just give up. Hindi ko alam na sobrang sakit pala kapag bigla na lang nawala lahat ng nakasanayan mo sa isang iglap. Yung bigla ko na lang iniwan ng taong sobra mong minahal.

I feel like I lost everything...

Hindi ko na alam kung paano pa ako magtitiwala. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba... Sa paanong paraan pa ako magtitiwala kung lahat sila niloko na ako?

"Sh/t! Anong ginagawa mo?!" Galit na sigaw ni Marv at mabilis akong hinila pababa sa railings ng rooftop.

"Bitawan mo ko! Hayaan mo na lang ako!" Sigaw ko sa kanya at pilit na kumawala sa hawak nya pero hindi nya ako hinayaan.

"Licey..." Bigla na lang ako nanghina sa paraan ng pag tawag nya sakin. Umiling ako at napaluhod. Bumuhos na naman yung luha ko.

"Ayoko na..." Umiiyak na sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya at lumapit sya sakin.

"Kaya mo yan, Licey... Nukaba! Ikaw pa ba?" Malungkot na sabi nya at niyakap ako nang mahigpit. Umiling lang naman ako.

"Ang sakit sakit na, Marv..." Basag ang tinig na sabi ko sa kanya. "Pinag- katiwalaan ko sila. Tinuring ko silang kaibigan pero bakit... Hindi ko maintindihan... kung, bakit ginawa nila sakin to? Wala bang halaga sa kanila ang lahat ng mga iyon?" Bumuntong hininga sya pero hindi sya nagsalita. Hinayaan nya lang akong ilabas lahat.

"Ganon ba ako kasama para gawin sakin to? Para lokohin na lang ng paulit-ulit? Hindi ko ba deserve na magkaroon ng kaibigan? Lahat na lang nang nagiging kaibigan ko nawawala lang sakin. Lahat din sila niloko lang ako. Deserve ko ba to?" Puno nang hinanakit na tanong ko.

"Hindi, Licey..." Sabi nya habang umiiling. "Nandito pa ako. I'm your friend. At hindi kita iiwan kahit anong mangyari." Sabi nya habang hinahaplos yung buhok at tinatahan ako.

Hindi ako nagsalita, niyakap ko na lang sya at umiyak lang nang umiyak sa kanyang mga bisig. Hinayaan lang naman ako. Nung medyo gumaan na ang pakiramdam ko, dun nya lang ako inuwi.

Iniwan nya ako sa aking kwarto at hinayaan nya munang mapag isa ako roon. Buong gabi, umiyak lang ako nang umiyak.

Kinabukasan nung lumabas ako sa kwarto wala nang bakas ng luha at kahinaan akong ipinakita sa aking mukha. Maaga pa lang nung kinatok ko yung condo ni Marv.

"Licey? Licey!" Bahagyang nagulat sya nung makita ako.

"Maaga akong pupunta sa school ngayon gusto ko sanang magsabay na tayo kaya pinuntahan na kita dito." Seryosong sabi ko sa kanya. Nakitaan ko pa sya nang pagtataka pero tumango lang naman sya at mas nilakihan yung pagkakabukas ng pintuan.

"Pasok ka. Kakain at mag aayos lang ako, okay?" Pumasok naman ako at tumango sa kanya. Naupo ako sa sofa roon. "Anyway, kumain ka na ba?" Tanong nya habang naglalakad papunta sa kitchen.

"Yeah... Actually, pupunta lang akong school para mag ayos ng documents." Lumabas sya sa kitchen na may dalang tasa at tinapay. Kunot ang noo nya akong tinignan bago naupo sa tabi ko.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now