CHAPTER 35

1 0 0
                                    

LETTER.

MILLICENT POV.
"Oh?" Sagot ko sa tawag ni Marv habang lumalabas ng aking kwarto.

I'm wearing white simple sleeveless shirt maong shorts, and white sneakers shoes. Nasa balikat ko naman ang aking Louis Vuitton bag.

["Nasaan ka na?"] Tanong nya. Nag aaya kasi itong si Marv. Since wala naman akong gagawin sinakyan ko na lang yung trip nya sa buhay.

"Bahay pa." Sagot ko.

["Ano?! Bilisan mo naman kaya inday. Magsisimula na toh. Anyway, ihahatid ka ba nang driver nyo? Or sunduin na lang kita?"] Bumuntong hininga ako.

"Wag na. Papahatid na lang ako. Sige na. Bye na." Sabi ko at pinatay na yung tawag ni Marv. Umirap pa ako at tinago ko na yung cellphone ko sa bag.

"Mang Efren!" Tawag ko sa driver ni Lala Miz habang bumababa ng hagdanan.

"Yes, Ma'am Miles?" Tanong nya. Matalim ko syang tinignan.

"Miss. Not Ma'am. Anyway, hatid mo nga ako. Wala naman kayong lakad ni Lala, right?" Sabi ko at hinawi ko ang aking buhok.

"Wala na naman po, Miss Miles." Tumango ako nung marinig ang sagot nya.

"Okay, then. Pahatid ako. Hatid lang I mean hatid, you don't need to wait me, okay? Get it?" Sabi ko sa kanya. Mabilis naman syang tumango bilang sagot at gaya nga nang utos ko hinatid nya ako sa sinabi ni Marv na lugar sakin.

["Asan ka na? Nandito na ako sa labas. Hinihintay na kita."] Bungad sakin ni Marv nung sagutin ko yung tawag nya na naman.

"Nandito na ako." Tamad na sagot ko at bumaba nang kotse. "Mang Efren, you can go now." Sabi ko sa driver ni Lala pagkababa ko nang kotse.

"Finally! Mabuti naman at dumating ka na. Nagsimula na yung laro. Grabe! Ang tagal mong kumilos. Tara na." Sabi ni Marv nung makita ako. Umirap naman ako. Hindi pa ako nakakapag salita ay hinila nya na ako papasok.

"Ano bang meron? Bakit nandito tayo sa Ice skating area?" Takang tanong ko.

"Magkakape siguro. Malamang manonood! And may isusupport tayo." Sagot nya at pinagtutulak ang mga nakaharang sa dinadaanan namin. May kumaway samin kaya lumapit kami roon. Mukang nagreserve pa nang upuan para samin ni Marv. Bumuntong hininga ako at umirap na lang.

"Tagal nyo... Buti na lang kakasimula pa lang." Sabi nung baklang nasa tabi ko. "Hi, Madam! I'm Clary..." Nakangiti na pagpapakilala nya sakin nung binalingan nya ako nang tingin. Tumango naman ako sa kanya at tinignan yung nasa harap.

"Ice Hockey?"

"Yeap..." Nakangiting sagot ni Marv at may tinuro ng player. Nung una kunot pa yung noo ko at taka pa ako nung tinignan ko yon pero nanlaki yung mata nung makilala ko yon.

"Ni-Nicholas?" Gulat na sabi ko. Ngumiti at kumindat naman si Marv sakin.

"Best player yan, Madam. Tsaka maraming nanonood dahil sa kanya." Nakangiting sabi ni Clary at tinuro yung mga babae na mukang patay na patay sa lintik na lalaki na yon. Dahil dun si Nicholas na lang tuloy yung lagi kong na titignan.

Nag iwas ako nang tingin nung makita nya ako. Natigilan sya at takang tumingin sa gawi ko. Sh*t!

"Go, Nich! Galingan mo, fafi. She's watching at you..." Sabi naman ni Marv kaya siniko ko ito. Walang hiya.

Kita kong napangisi si Nicholas at nagpatuloy ulit. Mas naging ganado at mas agresibo sya nung nagpatuloy na sya sa laro.

"Ganado na naman. Nanonood kasi yung girlfriend eh." Napatingin naman ako kay Clary sa sinabi nya. Matalim ko sana syang titignan dahil sa pang aasar nya sakin kaso may tinuro sya sa gilid nya lang kaya napatingin ako roon.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now