CHAPTER 58

6 0 0
                                    

LET GO.

MILLICENT POV.
After nang mahaba ng bakasyon nila Jewel at Marlone ay umuwi na rin sila. Hindi ako agad nagleave. Tinapos ko muna ang mga kailangan naming tapusin at hinayaan lang naman ako ni Nik na gawin kung ano ang aking gusto.

Ngayon napasama na ako/kami nila Marv sa barkadahan ni Nik, lagi naming binabakante ang Friday noon at evening namin dahil Friday is Barkada time daw kaya every evening or hapon nagkikita-kita sila kahit na walang ganap or events. Sabi ni Nik, nakasanayan na daw kasi nila na tuwing Friday na magsama-sama o bonding ganon. Friday daw kasi non nung nabuo ang grupo nila kaya ayun especial para sa mga girls ang Friday.

Tuwing Sunday naman, day off namin ni Nik pero nakasanayan ko na rin na samahan si Lala kapag linggo kaya every sunday kasama namin ni Nik si Lala. Kapag gabi naman ay sa kanila naman kami para sa dinner o kung anong gustong gawin nung pamilya nya.

Every evening namin kaming pumupunta ni Nik sa hospital para bisitahin o dalawin si Mom. Si Dad naman ay simula nung nakabalik galing ibang bansa kung hindi sa hospital ay nasa kompanya naman sya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang sya ulit nagseryoso roon, hindi lang pala don. Hindi ko na rin sya nakikita na may ibang babae na kasama. I really think, nagbago na talaga sya.

Ang mga pinsan ko naman ay may mga sari-sariling ganap sa buhay kaya hindi na nanggugulo pa sakin. Minsan nagkikita-kita rin naman kami kapag hindi busy ang schedule namin.

Magkasama kami ni Nik na nagcecelebrate ng mga events sa buhay namin, unlike dati, hindi na kami hinahadlang ni Dad, and until now I don't know why. Well, mainam na rin iyon kesa naman yung nag- aaway pa kami para lang payagan nya ako.

Kinasal na rin sila Lily at Marco before matapos yung taon. Syempre, nandon at kumpleto kaming lahat roon.

Nung Christmas, sa condo nya namin sinelebrate iyon ng madaling araw, nung naglunch sa bahay tas nung hapon pumunta kami sa hospital para kay Mom, then, nung dinner sa kanila naman. Naging masaya at kuntento naman kami. New year ganon lang din ang nangyari at tulad nang sabi nang karamihan kapag masaya ka mabilis lang lumipas ang oras, ganon nga ang nangyari.

Mabilis ngang lumipas ang araw kaya right after the Christmas break bumalik na si Jewel sa work nya, while ako naman ang hindi nya na pinabalik para daw maasikaso ko na ang wedding preparations namin ni Nik. Doon na lang daw akong mag- focus muna dahil keri nya na naman daw ang mga trabaho sa kompanya. I don't believe it. Alam ko kasing mas marami ang trabaho ngayon kaya kung minsan ay pumupunta pa rin ako sa kompanya para makatulong pa rin sa trabaho.

"Grabe! Nakakapagod..." Reklamo ni Marv nung nag stop muna kami sa isang restaurant para kumain at magpahinga muna. Nagpapamigay na kasi kami nang invitations para sa engagement party namin ni Nik. Mas gusto kasi namin ni Nik na personal naming ibibigay sa kanila. At tumutulong sila samin ni Nik kaya ayun kasama ko sya.

Hinayaan ko syang magreklamo nang magreklamo habang tinitignan ko ang listahan na hawak at chinecheck ko kung sino yung hindi pa namin na bibigyan.

"Sila Shyra ba? Makakapunta?" Tanong ni Sharon kaya natigil ako sa ginagawa at nagkatinginan naman kami ni Nik.

"Uh... Baka sa mismo kasal na lang daw but before the wedding babiyahe na sila papunta dito at sa mansion ko na sila pinapatuloy para mas maasikaso yung mother nyo." Sagot ko. Kita ko naman na bumuntong hininga sya bago ngumiti at tumango.

"Mabuti naman kung ganon..." Sabi nya at mabilis nyang ininom ang kanyang juice.

"Pwede mo silang puntahan sa bahay if you want..." Sabi ko sa kanya at ngumiti bago pinag patuloy ang ginagawa.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon