CHAPTER 7

11 0 0
                                    

SMILE.


MILLICENT POV.

"Shemay!" Gulat na sabi ko nung may narealize ako. "Pwedeng pahatid na lang ako sa Medical City." Sabi ko sa kanya.

"Sure." Sabi nya at nagdrive na patungo doon. Sumama din sya papasok.

"Nandito rin yung pinsan ko kaya baka medj matatagalan ako. Pero uunahin ko muna si Mom saglit lang naman ako don." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa room ni mommy.

"Ate!" Salubong ni Iyah at niyakap ako. "Hi, Kuya Nicholas!" Bati nya pa sa katabi ko.

"Akala ko di ka na dadating eh." Sabi nya nung kumalas sya sa yakap. "Dumating si tito dito kanina hinahanap ka. Ano bang nangyari?" Pang uusisa nya pa. Ngumiti ako at ginulo yung buhok nya.

"Nakauniform ka pa ah..." Pagchachange topic ko. Tinignan ko si Mom. As usual tulog pa rin sya. Hindi ba toh napapagod matulog?

"Nako, ate Miles! Pagalitan mo nga yan. Nagcutting na naman yan." Pagsusumbong ni Nica sakin. Tinignan ko si Iyah. Akmang magsasalita pa lang ako pinigilan nya na agad ako.

"Hep! Nagcutting lang naman ako dahil gusto kong tignan kung okay lang ba si Kuya Gio. Kasalanan ko ba na nag aalala ako sa kalagayan ng pinsan ko?" Sabi ni Iyah gamit ang nagdadramang boses nya at kunwari pang nagpunas ng luha.

"Loka! Morning class nyo pa lang hindi ka na pumasok. Tas dumating ka dito alas tres na." Sabi ni Nica at binatukan sya. Tinignan ko sya ng masama nagtago naman sya sa likod ni Nik. Bumuntong hininga ako at tumingin na lang ulit kay Mom.

"Ate, Hindi mo ba ako papagalitan?" Parang kinakabahan na tanong ni Iyah.

"Bukas na lang tinatamad ako eh." Sabi ko sa kanya.

"Never ka kayang tinamad sa pagsesermon." Sabi nya naman.

"Ngayon lang. Huwag ka na ngang mausisa dyan. Pupunta na ako kay Gio ah." Sabi ko tinignan ko munang saglit si Mom bago ako naglakad papunta sa room naman ni Gio.

"Hey ate! Zup?" Masiglang Bati ni Gio nung makita ako at naglakad pa palapit sakin para bumeso. "Pare!" Bati nya pa kay Nik at nakipaghigh five dito.

"Mahiga ka nga..." Sermon ko sa kanya. Napakamot sya ng ulo pero naupo na rin naman sya sa kama.

"Nasaan sila Gwen?" Tanong ko. Wala kasi syang kasama dito sa room nya.

"Pinauwi ko na para makapagpahinga na sila but si Iyah at Nica nag istay daw dito para samahan ako. Pero si Iyah uuwi muna tas babalik na lang daw." Sagot nya. Napatango naman ako.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko.

"Of course!" Nakangiting sagot nya habang may katext na.

"Uminom ka na ba ng gamot?" Hindi na sya sumagot at nakatutok na sa cellphone.

"Hoy!" Napatingin sya sakin at binato nya yung cellphone nya.

"Ano yon, ate?" Tanong nya at ngumiti sakin.

"Gamot? Uminom ka na ba?" Seryosong tanong ko sa kanya. Umiling sya at mas ngumiti sakin. Tinignan ko sya ng masama at bumuntong hininga.

"Uminom ka na." Utos ko. Sumimangot sya pero sinunod nya rin naman.

"Ate, mag oonline class muna ako for this year ayokong magstop kaya mag aaral pa rin ako habang nagpapagaling." Sabi ni Gio. Tumango ako sa sinabi nya.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant