CHAPTER 16

6 0 0
                                    

CHANGE.


MILLICENT POV.
"Good Morning, Miss Miles..."
"Hello, Miss Miles!"
"Magandang umaga po Miss Miles..."

Magalang at nakangiting bati ng mga empleyado ko nung makitang pumasok ako.

"Hey! Good day, everyone..." Bati ko sa kanilang lahat at ngumiti pagbalik sa kanila. Kita ko naman ang gulat sa mga mukha nila nung marinig ang pagbati ko at nung makita ang pagngiti ko sa kanila. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Miss Miles, good morning po..." Salubong naman ni Jewel sakin.

"Good morning." Bati ko pabalik at binigay sa kanya yung bag ko. Kita ko rin ang gulat pero nawala din nung tinaasan ko sya nang kilay. "Yung mga papeles pinadala ko na kay Mr. Montalvan." Sabi ko kay Jewel at pumasok sa elevator. Ako na yung nagpress nang button. "Anyway, what's my schedule for today?" Tanong ko sa kanya.

"Uhmm..." Napatingin ako sa kanya at nagtaas nang kilay.

"What?" Mahinahon na tanong ko sa kanya. Napayuko naman sya.

"Sorry po, Miss Miles... Hindi ko po kabisado ang dami ko po kasing ginawa pero naisulat ko naman po iyon." Ngumiti ako at lumabas nang elevator nung bumukas ito.

"Hey, everyone! Good morning to all of you. Kakatapos lang nung meeting ko with my business partner. Pumayag sila sa plano ko at may new product na tayo..." Masiglang sabi ko habang naglalakad papunta sa harapan. "But we need one male and one female model for that product." Sabi ko sa kanila at tinignan sila isa isa.

"Si Sir Nik na lang po yung sa male model since he's our permanent model." Suggest nung isang empleyado ko. Kita ko namang siniko sya nung katabi nya nung tinignan ko ito.

"Alright. Then, may suggestion ba kayo for female model?" Tanong ko pa sa kanila. Kita  ko namang nagulat sila sa paghingi ko nang suggestion nila. "What's wrong? Bakit ganyan yung tingin nyo?" Tanong ko sa kanila at nagcross arm.

"Ah, Miss Miles!" Napatingin naman ako kay Marco nung tawagin ako nito. "Bakit hindi na lang po si Sharon since kaclose naman iyon ni Nik kaya kung malalaman nya na si Nik yung kasama nya for sure papayag ito na maging model din natin..." Pagsusuggest nya. Tumango naman yung iba sa sinabi nya na halatang sang ayon sa kanya pero kita ko naman na may binulong si Loone sa kanya kaya napangiwi ito at napakamot ng ulo. Bumuntong hininga ako.

"Alright. I think that's good idea. But can you contact and ask her about that for me?" Pagpayag ko don sa sinabi nya. "I know na kaibigan nyo sya. Mas maganda siguro na kayo yung magtanong sa kanya, right?" Sabi ko at tinignan silang dalawa ni Marco.

"Okay po. No problem, Miss Miles. Kami na pong bahala ni Loone." Sabi ni Marco at ngumiti.

"Don't worry, hindi ko naman kayo ipafired kung hindi sya papayag. We can easily find another one. Just let me know what's her decision para makakahanap agad tayo just in case na hindi sya pumayag." Mahinahon na sabi ko sa kanila at tinignan ang lahat. "Tapusin nyo muna ang ginagawa nyo bago nyo asikasuhin ang mga kailangan for the photoshoot. We're not in a rush. Kaya okay lang matagalan bago nyo masimulan. Huwag kayong magmadali at magpakapagod sa trabaho. That's all, focus on your job and hwaiting!" Sabi ko sa kanilang lahat at tinignan sila isa isa.

"Thank you po, Miss Miles..." Nakangiting sabi nila.

"Okay... Jewel, please come to my office for my schedule." Sabi ko bago ako pumasok sa opisina ko. Pagkaupo ko sa swivel chair sakto namang dumating si Jewel dala ang notebook at cellphone nya.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now