CHAPTER 49

3 0 0
                                    

PARTY.


MILLICENT POV.
"Done with school?" Tanong ni Lucas na nasa sala nung bumababa ako nang hagdanan.

"Uh... Yeah." Sagot ko at tumango pa. Naglakad ako patungo sa kusina para makainom.

"Tired?" Tanong nya na sumunod pala sakin. Uminom muna ako bago sinagot yung tanong nya.

"Not really." Sagot ko at binaba sa sink yung baso.

"I'm going to Mall. You wanna come with me?" Sabi nya sakin at nag iwas nang tingin. Bumuntong hininga ako.

"I actually hates mall but I'm very bored here. So, maybe I should come." Kita ko ang gulat nya. Hindi nya siguro inaasahan na sasama ako sa kanya. Madalas nya akong inaaya noon pa pero lagi ko lang din syang tinatanggi. "Let me change first." Sabi ko. Hindi ko na hinintay yung sagot nya,naglakad na ako patungo sa aking kwarto para makapag palit.

"Dito lang ako sa baba ah!" Rinig ko sigaw nya mula sa baba.

"Okay!" Sigaw ko pabalik sa kanya bago sinarado yung pinto ng kwarto ko. Bumuntong hininga ako at nagtungo na sa walk in closet ko para makapag bihis na.

"What are looking at?" Tanong ko sa kanya at nagtaas nang kilay nung mapansin ko ang titig nya sakin nung bumaba ako sa hagdanan. "This my usual outfit." Sabi ko at tinignan yung suot ko na white fitted and sleeveless dress. I also wearing my high heels and Prada bag with my hand.

Ngumuso sya at bahagyang napatabingi yung ulo habang tinitignan ako. "That's showing too much of your skin. It's too short." Striktong sabi nya habang nakatingin sa sa suot ko. Napairap na lang ako parang si-Nevermind.

"So, what do you want me to do? To change?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya at humalukipkip pa. Bahagya naman syang natawa.

"Nah... Just wear this, will you?" Sabi nya at inabot sakin yung black jacket nya.

Nagmake face na lang ako at walang gana na kinuha na lang yon para hindi na kami magtalo pa. Sasakyan ni Lucas lang yung ginamit namin. He's so gentleman. Pinagbubuksan nya ako nang pinto at masyado syang maalaga sakin.

"We have a personal designer. Dapat dun ka lang magpagawa ng suit na ganyan, hindi yung pupunta ka pa sa mga cheap store na ganito para lang dyan." Sabi ko sa kanya kahit na nakatayo lang sa gilid ko yung saleslady. Pinag halong gulat at mangha ang nasa mukha nya nung nilingon nya ako. Nagtaas ako nang kilay sa kanya at hinawi ko yung buhok ko.

"What?" Mataray na tanong ko pa sa kanya. Napailing na lang sya at hinarap na ulit yung saleslady na iniirapan ko lang kapag napapatingin sakin.

"Miss, I will get this." Sabi nya sa saleslady at inabot yung hawak nya. Maingat naman iyon na kinuha nung saleslady at umalis.

"You're so mean." Nakangiting nyang sabi at naglakad patungo sa cashier para siguro magbayad na.

"I'm not." Sabi ko at sumunod sa kanya. Nasa gilid nya lang ako habang nagbabayad sya.

"Yeah, right. You're not mean but you're a harsh and straightforward girl." Napapatango na sabi nya at ngumiti pa sakin bago inabot yung bayad don sa babaeng cashier na panay rin ang sulyap sakin kaya iniirapan ko rin.

Mabilis nyang kinuha yung paperbag at inakbayan ako. "You wanna buy something? Dress?" Tanong nya sakin.

"We have designer for that, so, there's no need to buy that here. Besides, I don't like those cheap and no class dresses here..." Rinig ko naman ang bahagyang pagtawa nya at napailing pa sya.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now