CHAPTER 33

2 0 0
                                    

TEXTMATE.

MILLICENT POV.
"Sis, oki lang yan. Chill ka lang..." Rinig kong pagpapakalma ni Marv sakin. Tumigil ako sa pagsuntok ng punching bag. Inabutan nya ako nang tuwalya. Kinuha ko naman iyon agad.

"Nakakainis! Nakakairita sya!" Gigil na sabi ko.

"Chill... Nung sabado pa yan. Kalma na." Chinat ko sya non kaya alam nya na yung nangyari. Maaga akong umalis nang bahay at pumasok dahil ayoko munang makausap si Dad. Nung nalaman ni Marvine na nandito na ako sa school pumunta naman sya agad.

Pumunta ako sa Girls Room para makaligo at makapagpalit para makapunta na kami sa cafeteria.

"Nasimulan ko na toh tapos gusto nyang tumigil ako dito at mag aral nang business dahil iyon ang gusto nya. This is my dream! Grrr!" Inis na sambit ko habang naglalakad kami ni Marv papuntang cafeteria.

Pagtuloy lang yung pagrarant ko hanggang sa nakapunta kami sa cafeteria. Iritang- irita ako habang papunta kami roon. Mas nairita ako nung lapitan ako nila Sasha. Ano na naman kailangan ng mga ito?

"Hey, ghurl—" Nilagpasan ko na lang sila. Wala akong panahon para makipag- plastikan sa kanila. Madalas nilang sinusubukan na lapitan at kausapin ako pero mas pinipili ko na lang na umiwas sakin. Para saan pa kasi ang palapit nila, diba? At paano ka magtitiwala sa isang taong sinira lang yung tiwala na binigay mo? Hay!

"At dumagdag pa ang mga yon. Hay!" Sabi ko at inis kong hinawi yung buhok bago ko hinarap yung cashier para masabi ko sinabi yung order ko.

"So, anong gagawin mo?" Tanong ni Marv habang naghahanap kami nang maaaring upuan.

"Miles!" Bored akong lumingon roon sa tumawag sakin. It's Clarisse, the daughter of my Mother's personal designer. "Pwede kayo dito oh." Sabi ni Clarisse at tinuro yung table nila. Hindi pa ako nakakapagsalita nung hinila na ako ni Marv papunta roon.

"Hi!" Masiglang bati ni Marv dito nung naupo kami sa table nila. May kasama itong apat na lalaki at isang babae. Pinakilala sila sakin ni Clarisse. Tipid lang akong ngumiti sa kanila at bumuntong hininga.

"Mukang bad mode ka ata ngayon, Miles." Sambit ni Greg. Umirap naman ako.

"Syempre, nakita ko na naman yung mukha mo eh." Sabi ko sa kanya. Umacting na naman sya na parang nasaktan samantalang tinawanan at pabiro lang syang sinuntok nung mga kaibigan nya.

"Pagpasensyahan nyo na. Talagang galit lang sa mundo ang isang toh kaya ganyan, lalo na ngayon."  Sabi ni Marv. Bahagya ko syang siniko at tinignan ko pa sya nang masama nung sinabi nya yon.

"Anyway, nasaan pala si Nicholas?" Tanong ko kila Clarisse kita ko agad ang pagngisi ni Marv nung tanungin ko ito. "Maissue ka. May sasabihin kasi ako." Mataray na sabi ko sa kanya at inirapan pa sya.

"Wala naman akong sinasabi ah." Nakangising sabi nya.

"Oo, pero yung mata mo meron. Tss! Ewan ko sayo. Kaasar!" Sabi ko at umirap muli pero tinawanan nya lang naman ako. Nagsimula na akong kumain.

"Ah! Si Nik ba? Uhm, nasa library ata sila ni Sha." Sagot ni Marco dun sa tanong ko kanina. Sha? Sharon? Hay naku! Tss.

"May kailangan kasi si Sharon na libro kaya ayun sinamahan ni Nik. Buntot nila yung isa't isa kaya laging magkasama." Sabi ni Jake at humalakhak pa.

"Ah. Ganon?" Seryosong sabi ko kaya natigil sya sa paghalakhak at kumain na lang.

"Oo. Swerte nga ni Sharon dahil nakakasama nya yung taong mahal nya eh. Akalain mo yon, simula nung bata pa lang sila magkasama nya na kaso masyadong manhid itong si Nik kaya hindi napapansin si Sharon." Sino ba nagtatanong, Clarisse? Hindi ko naman tinatanong. Umirap ako at nagpatuloy lang sa pagkain.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora