CHAPTER 34

1 0 0
                                    

LIKE YOU.



MILLICENT POV.
"That's all..." Sabi ko at inayos yung gamit ko sa aking lamesa. "Magaan na ang pakiramdam kaya wag ka nang mag alala sakin." Sabi ko kay Marv. Nalaman nya ang nangyari sa bahay kaya ayan todo na naman sa pag aalala ang isang ito.

Kinuwento ko na rin naman sa kanya lahat nang nangyari pero wala. Hindi pa rin nawala ang pag aalala nya. Tss.

Nasabi ko rin kay Nicholas ito. Pagkatapos namin magchikahan ni Moch. Pumunta na ako sa kwarto ko at tinawagan sya. Kinuwento ko sa kanya ang lahat pwera lang don sa kasal na pinaplano ni Dad. Ayokong may ibang makaalam non. Well, narinig nila Clarisse iyon pero alam ko namang ililihim rin nila iyon. Hindi sa hindi ko pinagkakatiwalaan si Nicholas pero ayoko lang isipin nya na mag something kami ni Rhoine. Duh. May girlfriend yung tao.

"Pero teka, sino si Moch?" Tanong nya at kinuha nya sakin yung hawak ko na gamit.

"Inaanak ni Dad. Dito na sya nag aaral kaya mamaya makikilala mo na yon." Sabi ko sa kanya at nauna na sa paglalakad. Pumunta muna ako sa Locker Room para maiwan ko ang mga gamit ko roon.

May mga bulaklak, letters, regalo at kung anu-ano na naman na nandoon. Hays. As always. Inalis ko ang mga iyon. Nilapag ko muna sa upuan ang lahat ng iyon.

Kinuha kay Marv yung gamit ko. Samanatala lang sya tinitignan na ang mga regalong natanggap ko. Yun ang lagi nyang gawain.

"Ang sisipag rin ng mga admirers mo na bigyan ka ah. Kahit na hindi mo naman ginagamit ang mga ito. Nakatambak lang lahat sa kwarto mo." Nakangising sabi nya habang tinuturo yung mga regalong nakabalot pa. Kinuha nya yung bulaklak at isang letter. "Tapos itong mga bulaklak at letters tinatapon mo lang. Try mo kayang basahin ang nakasulat dyan. Kahit yung isang word lang." Sabi nya. Umirap ako at sinarado yung Locker nung matapos na ako sa pag aayos.

Kinuha ko yung mga bulaklak at letters. I find this so cheesy kaya hindi ko na pinagtutuonan ng pansin. Reading is my things but ang pagbabasa ng pambobola nila ay hindi ko gawain. Ang corny pa ng mga pinagsasabi nila kaya no thanks na lang. Tss.

"Natext ko na yung bodyguard ko para madala na sa kotse ko yang mga regalo mo." Sabi nya. Tumango naman ako at lumabas ng Locker Room. Alam na nang bodyguard ni Marv saan kukunin yon at wala naman akong pakialam don kaya kahit manakaw yon ay okay lang.

"Hay! Kung ako lang ang nasa kalagayan mo. Sinagot ko na ang mga yon." Nakangiting sabi ni Marv at kumapit pa sa braso ko.

"Well, I'm not cheap like you." Sabi ko at pabirong umirap.

"Hoy! Grabe ka! Cheap agad. Yung iba kaya sa mga admirers mo nung isang taon na ata nagpapadala ng regalo sayo." Sabi nya at hinampas pa ako.

"Pwede naman kasi silang tumigil kung gusto nila. Hindi ko naman sila pinilit na binigyan ako ng kung anu- ano." Sabi ko sa kanya. Kita ko naman ang pag irap nya sa sinabi ko.

"Ewan ko sayo, mah ghurl. Okay naman sila. Gwapo, mayaman at may talent naman sila. Try mo kayang idate yung isa sa kanila. Kilala ko yung isa don. Gusto mo sabihan ko yon? Para naman hindi ka puro bahay at school lang." Saad nya at may paturo-turo pang ginagawa. Kung anu- ano pa ang pinagsasabi nya. Hinayaan ko na lang sya na magsalita at hindi ko na lang pinansin iyon.

Hanggang nasa cafeteria at kumakain na kami ay tuloy pa rin sya sa pagrereto.

"Icey!" Ngumiti ako sa tumawag sakin na yon. Lumipat sya sakin at naupo sa tapat ko.

"Kakatapos lang ng klase nyo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti sya at tumango. "Anyway, Marv this is Mocha. Moch, this is Marvine." Pagpapakilala ko. Ngumiti naman si Moch sa katabi ko at naglahad ng kamay.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now