CHAPTER 22

4 0 0
                                    

CHEATER.


MILLICENT POV.
"Ma'am Miles, baka pauwi na rin si Sir Miguel..." Napabuntong hininga ako napatingin sa wrist watch ko.

"Manang, malalate na po kasi ako sa klase ko eh..." Sabi ko at sumimangot. Malamang nakalimutan na naman nya yung birthday ko kaya hindi na naman umuwi si Dad pero sabi nya 2 weeks lang syang mawawala kaya kung uuwi sya dapat kagabi pa sya nandito. Napabuntong hininga ulit ako at tumayo na.

"Magpapahatid na lang po ako kay Kuya Ken..." Sabi ko kay Manang na nakaabang sa pintuan. "Uuwi po ako nang maaga. Pakisabi na lang po kay Mom na umalis na ako." Sabi ko at niyakap ko sya bago naglakad paalis.

Habang naglalakad ako palabas ng bahay ay tinetext ko na si Kuya Ken. Limang minuto lang ang lumipas dumating na sya.

"Ang bilis ah..." Nakangiting sabi ko sa kanya nung makasakay ako.

"Paalis na ako nang bahay nung nagtext ka." Sabi nya. Napatango naman ako. "Bakit hindi ka sumabay kay Uncle Miguel?" Tanong nya habang nagdadrive sya papunta sa school ko.

"Hindi pa umuuwi si Dad eh." Sabi ko. Kita kong bahagyang nagulat si Kuya Ken. "Bakit, Kuya Ken? Nakita mo ba si Dad?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman sya.

"Hindi. Baka namilikmata lang siguro ako kanina." Sabi ni Kuya Ken. Tumango ako.

"Salamat, Kuya." Sabi ko kay Kuya Ken nung nakarating na kami sa school ko.

"Susunduin ba kita mamaya?" Tanong nya sakin. Napaisip naman ako.

"Itetext na lang kita..." Sabi ko at nagsuot muna nang earphone bago bumaba sa kotse ni Kuya Ken.

Ngumiti ako sa mga kapwa ko estudyante na kumakaway at bumabati sakin.

"Happy Birthday!!!" Kahit nakaearphone ako rinig ko pa rin yung sigaw nila Sasha, Chim at Teff. Tinanggal ko naman yung earphone na suot ko.

Niyakap nila ako nung makalapit na ako sa kanila.

"So, what's your plan today?" Nakangiting tanong ni Sasha.

"Study?" Sagot ko at humagikgik.

"Yah!" Sabi ni Chim at bahagya ako tinulak.

"That's boring. Let's have fun after class." Sabi naman ni Teff. Napatango naman kami sa suggestion nya.

"Like party? But where?" Tanong ko sa kanila.

"Let's have a seat first." Sabi ni Sasha at tinuro yung upuan namin. Natawa naman kami at sumang ayon sa kanya.

Pinaharap nila Chim at Sasha ang upuan nila samin ni Teff. Si Teff kasi yung katabi ko. Kahit na dumating na yung prof. namin at nagsimula na yung klase nagpatuloy pa rin sila sa pagkukwento at pagpaplano sa gagawin namin mamaya.

"Sa Club na lang namin tayo." Sabi ni Chim. Sumang ayon naman kami agad.

"Oo nga, dun na lang. Mas malapit sa bahay namin kaya mas makakatakas ako." Sabi ni Sasha. Natawa naman kami sa sinabi nya.

"Tsaka para VIP tayo." Natatawang sabi naman ni Teff.

"Tas sagot na rin ni Chim yung drinks natin..." Sabi ko naman kaya mas nagtawanan kami.

"Shhhh... Girls! Quiet." Striktang saway sabi ni prof.

"Tsk. Epal..." Sabi ni Sasha at umirap.

"Quietttt...." Panggagaya pa ni Chim kay prof. at nagmake face.

"Gurangers na kasi eh." Natatawang sabi ni Teff at sabay naman silang natawa. Napangiti at napailing na lang ako sa kalokohan ng mga kaibigan ko.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now