SPECIAL CHAPTER

11 0 0
                                    

Malayo ang buhay na nakasanayan ko sa buhay na meron ako rito sa Manila pero habang tumatagal nasasanay na rin ako. Hindi kami gaano kayaman pero hindi na rin naging masama ang pagpunta namin rito. Siguro, para sakin mapasama dahil hindi ko inaasahan na ang pagpunta ko rito sa Manila ang magiging dahilan kung bakit ako mahihibang sa isang babae na hindi ko naman maabot kahit kailan.

"Sila Ate Miles!"
"Omg! Ang ganda nya talaga no!"
"Si crush!"
"Idol!"

Dalawang taon na akong nag aaral rito sa Manila pero ngayon taon lang nagkaganito ang mga estudyante I mean, mas umingay ng ganito.

"Ayan na pala yung prinsesa ng University natin..." Sabi ni Loone habang may tinitignan sa kung saan.

"Woahhhh! Shet... Ang ganda pala talaga ni Miles no." Sabi ni Marco na titig na titig rin dun sa kung sino. Umirap ako at napailing. Silang dalawa ni Loone ang unang naging kaibigan ko nung pumasok ako sa universidad na ito.

Sabi ni Papa mayayaman at matatalino lang talaga ang nakakapasok sa school na ito kaya hindi na ako nagtaka nung malaman na sobrang yaman nilang dalawa. Actually, sila pa nga yung nagulat na hindi ako mayaman. Wala daw sa mukha ko. Ganon ako kapogi...

"Miles? Sino yon?" Takang tanong ni Sha, ang kababata at best friend ko sa Batangas. Pareho kaming nakapasa at nabigyan ng scholarship sa University na ito kaya magkasama kami.

Dahil lahat sila nakatingin sa gilid ko kaya nakiusisa na rin ako para malaman kung sino ba yung pinag- kakaguluhan ng lahat.

Apat na babae ang pinagkakagulo at tinitignan ng lahat pero sa babaeng nasa gitna lang natuon ang tingin ko. Maputi at maganda sya. Ang mahaba at ang nakataling buhok nya ay sumasayaw dahil sa paglalakad nya. Kung titig mo lang ang mata nya ay masasabi mo na muka syang maldita pero kapag ngumingiti naman ito ay nawawala ang kamalditahan ng mata nya. Sa kanilang apat, sya lang ang walang suot na blazer pero kita ko na suot nito ang silver nyang name plate  na syang na nagpapatunay na dito nga sya nag aaral.

M.L. CREED.

That's what I saw on her name plate.

"Millicent Lhynia Creed... A.K.A. Millicent or Miles. Daughter of Miguel at Mharia Creed. Freshmen student. Sa ibang bansa nag- elementary but sikat ang pamilya Creed kaya maraming nakakakilala pa rin sa kanya dito." Sabi ni Loone nung isang araw tinanong ko sila tungkol sa kanya.

"Miguel and Mharia Creed. Yung CEO ng Creed Beauties Corp.?" Tanong ko. Alam ko dahil minsan na akong nakapag tanong kila mama at papa tungkol sa mga Creed at sa kanya.

"Tumpak!" Si Jake at tumango pa sakin. Grabe! Kaya naman pala kilalang-kilala na yon nung unang araw nya pa lang dito. Kung mayaman na ang mga kaibigan ko, mas grabe pa pala sila.

Simula nung unang kita ko sa kanya lagi ko na lang syang pinagmamasdan kapag dumadaan o napupunta sya sa kung nasaan ako. Sinubukan ko naman na batiin o kausapin sya pero walang nangyari.

"Snobber talaga yon." Sabi ni Greg sakin at tinapik ako.

"Hindi naman..." Pagtatanggol ni Marco at siniko si Greg.

"Ganon lang talaga sya, mga pre..." Sabi ni Loone at tinapik rin ako sa balikat.

"True! Mailap lang talaga sa tao si Icey lalo na sa mga lalaki. Lumaki kasi sya na pinsan o pamilya nya lang ang laging nakakasama nya. Kahit sa mga events nila, hindi sya masyadong nakikipag socialize." Sabi naman ni Clarisse na nililigawan ni Loone at pinsan naman ni Greg.

Habang tumatagal na pinag mamasdan ko sya mula sa malayo, doon ko na din sya unti-unti na nagugustuhan. Hindi ko alam kung bakit at paano pero basta ko na lang naramdaman. I even want to stop myself but I just couldn't help to admired her.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant