CHAPTER 20

2 0 0
                                    

JEALOUS.




MILLICENT POV.
"Hay nako! Buti nga na sinabi mo sa kanya yon. Dapat nga sinampal mo pa para naman maalog yung utak nya at matauhan sya sa mga pinaggagawa nya." Wala talaga tong kwenta kausap. Hindi ko alam sa sarili kung bakit sa kanya pa ako nagkwento dapat kay Marv na lang eh. Mas may sense kausap yon eh.

"Well, sorry ha! Hindi kasi ako kasing sadista mo." Sarcastic na sabi ko sa kanya at inirapan sya. Sininghalan ko sya nung binatukan nya ako. "Lucas... Masakit na yung sinabi ko kaya okay na yon. Sapat na yon para matauhan sya." Sabi ko.

"Sabagay, mas masakit pa naman yung ganon..." Sabi nya at uminom sa shake nya.

"Pero sa tingin magbaback out yon?" Tanong ko sa kanya. Napaisip naman sya.

"Pwedeng oo dahil nasaktan sya sa mga sinabi mo pero pwede ding hindi dahil para makaganti sayo." Sabi nya at may pahand gesture pa sya habang sinasabi iyon.

"So, ano nga? Magbaback out o hindi?" Tanong ko pa dahil parang hindi nya naman na sagot yung tanong ko.

"Ewan. Hindi ko alam. Hindi naman kasi ako sya kaya paano ko malalaman? Gusto mo ba tanungin ko sya?" Nagkibit balikat pa sya. Napapikit na lang ako nang mariin.

"Napakawalang kwenta mo talagang kausap kahit kailan." Sabi ko sa kanya at umirap sya. Nagmake face naman sya kaya binato ko sya nang kung ano man yung nadampot ko.

"Hi. Good morning!" Nakangiting bati ko sa empleyado ko na pumasok. Nasa kusina kasi kami nang kompanya ngayon.

Maaga akong pumunta sa kompanya at sakto namang dumating itong si Lucas kaya nagkwentuhan kami.

"Good morning po, Miss Miles and Sir Lucas..." Nakangiting bati nya samin ni Lucas. Ngumiti lang ako sa kanila.

"Kain tayo..." Aya ni Lucas sa kanila at ngumiti pa ito.

"Oo nga, tara. Kain ka. Marami toh oh..." Sabi ko sa kanila at tinuro yung pagkain na dala ni Lucas.

"Nako Miss Miles... Diet ako eh kaya coffee lang ako." Nakangiting sabi nya at nagtimpla nang kape. "Ayan po si Mang Bernand... Kain daw po kayo." Sabi nya nung dumating yung security guard ng kompanya dito.

"Kain na po..." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Nako, wag na po—"

"Bawal na pong tumanggi. Tara na po." Sabi ni Lucas at hinila na si Mang Bernand paupo sa tabi nya. Hindi na nga ito nakatanggi kaya sumabay na lang ito sa  pagkain. Hindi naman nagtagal dumating na rin naman yung iba kaya mas dumami kami.

"HAHAHA! Wala naman sigurong multo dito..." Natatawang sabi ko nung sabihin nilang natatakot silang mag stay dito sa kompanya kapag gabi na.

"Wala naman akong napapansin na kakaiba. Kaya ewan ko sa kanila kung bakit natatakot sila." Sabi ni Rodger at tinuro yung Co worker nya.

"Ang creepy kaya lalo pagmadilim." Sabi ni Yrish na parang kinakalibutan pa ito.

"True. Tas yung table mo lang yung may ilaw kaya ako hangga't maaari tinatapos ko nang maaga yung trabaho ko eh." Pagsang ayon naman ni Richelaine sa sinabi ni Yrish at nakipag apir pa ito kay Yrish.

"Ako, hindi naman natatakot. Madalas pa naman akong gabihin sa pag uwi." Nakangiting sabi ko sa kanila.

"Matapang po kasi kayo, Miss Miles kaya nga idol kayo ni ate Jew eh." Sabi naman ni Shareen at ngumiti pa ito sakin.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now