CHAPTER 30

3 0 0
                                    

STARES.



MILLICENT POV.
Minadali lang namin ang pag aayos at halos kulangin pa kami sa oras para lang matapos namin iyon sa nakatakdang oras.

Maaga rin kaming pumasok nung nag student's day para makapaghanda sa magiging programa para sa araw na iyon.

"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ni Rhoine dahil unti- unti nang dumadating yung mga estudyante. "Nakapasok na ba lahat?" Tanong pa ni Rhoine at tinignan pa kami.

"Yes. Nandito na lahat sa school. Si Jeff at Frick naglilibot libot lang sa paligid." Sagot ni Lyrha kay Rhoine.

"And si Sharon kasama nya yung barkada nya. Ayon oh." Sabi naman ni Khesia at tinuro si Sharon na nakatayo sa di kalayuan samin. Kasama nya nga yung mga kaibigan nila. Napairap ako at nag iwas ng tingin nung makita ko ang titig ni Nicholas sakin.

"Where's Cheilla and...." Tumingin sa paligid si Rhoine para maghanap.

"And Jaello?" Pagtutuloy ko sa sinasabi ni Rhoine. Hindi nya na kasi ito natuloy. Nagtaas ako nang kilay.

"Uhm, wait text ko lang. Ang alam ko nandito lang sila eh. Magkatabi pa nga sila baka umalis lang saglit." Sabi ni Vayvo at kinuha yung cellphone nya.

"So, magkasama sila?" Tanong ni Rhoine. Kita ko ang inis ni Rhoine pero pilit nya itong tinatago.

"Oo ata." Hindi siguradong sagot ni Vayvo sa kanya.

"Magkasama sila. Nakita kong umalis silang dalawa eh." Sabat naman ni Alex at ngumisi pa ito. Mukang alam nya rin na nagseselos si Rhoine. Tss... Bumuntong hininga si Rhoine.

"Huwag mo nang itext, Vayvo. Hayaan mo na sila." Seryosong sabi ni Rhoine. "Check ko lang kung nasa office na si Dean para matanong ko kung magsisimula na ba." Sabi ni Rhoine. Hindi nya na hinintay na magsalita kami naglakad na sya agad paalis.

"Gu-guys may nasabi ba akong mali? Bakit parang nagalit ata si Rhoi?" Kinakabahan na tanong ni Vayvo.

"Oo. Lagot ka..." Pananakot naman ni Alex sa kanya.

"Ikaw kase eh..." Pananakot rin ni Lyrha.

"Seryoso kasi! Napaka nyo naman eh." Sabi nya at hinampas yung dalawa. "Oh my! Totoo ba, Miles?" Tanong nya nung makitang nakatingin ako sa kanya. Kita ko sa likuran ni Vayvo ang pagsenyas nila Alex na takutin ko si Vayvo.

"Tsk tsk tsk... Hay nako. Mabait naman si Rhoine pero pagnagagalit sya talagang pati dragon matatakot. Kaya ikaw nang bahala ah. Hindi kita matutulungan dyan. Ikaw naman kasi eh." Napapailing na sabi ko at tinapik ko pa ang balikat ni Vayvo kaya mas kinabahan ito.

"Hala... Paktay." Sabi ni Vayvo at nasapol nya yung noo nya. "Hay! Puntahan ko lang muna yung mga kaibigan ko ah." Tumango naman kami sa kanya. Pagkaalis nya dun namin nilabas ang mga tawa namin at naghigh five pa kami.

"Okay, stop. Check nyo yung buong paligid para pagdating ni Dean maayos na talaga at walang magiging problema." Biglang pagseseryoso ko kaya natigil kami sa pagtawa.

"Noted, VP." Sabi nila at umalis na.

Ilang minuto lang ang lumipas dumating na si Rhoine kasama si Dean. Pumunta si Dean sa stage na hinanda namin at sinimulan nya ang pag speech at mga bilin nya. Hindi naman sobrang haba ang speech ni Dean hindi na rin nagtagal nagsimula na ang program.

After magspeech ni Dean yung mga inaassign namin ni Rhoine ay nagsimula na sa paggaguide ng students for the tent.

"Liceeeeee!!!" Napapikit ako nang mariin nung marinig ko ang malakas na bunganga na iyon. Niyakap nya pa ako nung makalapit sya sakin.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now