CHAPTER 36

3 0 0
                                    

FLOWERS.

MILLICENT POV.
Nagstay ako sa isang coffee shop malapit lang sa school. Samantalang si Marv ay nauna nang umalis dahil may emergency raw sa bahay nila.If I know nanlalaki lang yon. Just kidding. Well, hinayaan ko naman syang umalis kesa naman abalahin nya ako rito. And besides, mas okay para sakin na mag isa na lang.

"Hay!" Malakas na buntong hininga ko at tumigil sa pagtatype para sa aking presentation next week. Yeah. Next week pa naman pero ginagawa na para tapos na agad.

Sumandal ako at tinignan ko yung bag kong nasa katabing silya ko lang. Nandoon yung sulat ni Nicholas. Palihim kong nilagay yon sa bag ko nung tinapon ko yung ibang sulat kanina. Sinadya kong isipin ni Marv na tinapon ko rin yung sulat ni Nicholas.

Bumuntong hininga ako nung hindi ko na napigilan yung sarili ko. Kinuha ko sulat don sa bag ko. Tinignan ko muna yung paligid. Lahat naman ay may kanya-kanyang ginagawa kaya binuklat ko na yung sulat.

'Hi babe— Just kidding. Hi magandang binibini! Ay! Ang pangit. Ah! Basta! Hi sayo, Milly. Oh! Ayan ah. Ginawan kita nang bagong nickname pero dapat ako lang yung tatawag sayo nyan. Hindi ako sanay gumawa nang sulat at ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa ko toh. I try for you. Yiii... Kilig na yan. Joke lang. Nasabi ko na naman sayo na gusto kita o baka nga mahal na kita eh. Ayttt! Ano ba yan! Pero alam mo bang Grade 8 pa lang ako inistalk na kita? Ay! Tama na nga. Hindi ko na ibubuking pa ang sarili ko sayo. Pero ayan kahit na umamin na ako. Alam ko naman na hindi ka naniniwala pero gusto ko lang malaman mo na gagawin ko ang lahat mapaniwala ka lang na totoo at seryoso ako sayo. Liligawan kita. At hindi ako nagpapaalam sayo. Kaya hindi mo ako pwedeng pagbawalan kaya hayaan mo na lang ako na ligawan ka,okay? Huwag mo muna akong bastedin. Baka mapalipat ako nang school kapag ginawa mo yon. So, ayun lang naman ang nais kong sabihin. Anyway, nandito kami sa Field nang mga kaibigan pero mamaya pagpumunta silang cafeteria pupuslit ako para mailagay ko sa locker mo toh. Hihintayin ko na kunin mo toh ah! Sige na. Masyado na atang mahaba yung nasusulat ko kaya puputulin ko na. Anyway, nakigaya lang ako sa mga manliligaw mo kaya may pa letter na rin ako ngayon HAHAHA... Bye! Mag enjoy ka ngayon :)'

-Your Only Boo

Sa lahat nang nabasa kong letter ito ang pinakakakaiba. There's something in this letter. I don't know what it is.

But the heck, Millicent! Why are you smiling like a stupid little dog? It's just a letter. Binalik ko na lang iyon sa aking bag. Bahagya ko pang kinatokan yung sarili ko bago nagsimula ulit sa pagtatype.

"Hi!" Biglang sulpot ni Lily at naupo sa tapat ko. Kasama nya si Clary. Nagulat pa ako sa biglang pagsulpot nya pero agad ko rin tinago ang gulat para hindi nila mahalata.

"Anong ginagawa mo, Bibi girl?" Tanong ni Clary at pinaharap sa kanya yung laptop ko.

"Presentation for next week." Sagot ko at hinayaan na lang sya na tignan iyon.

"Oh! Dito din pala sila. Tara. Alis na tayo, Clary." Sabi ni Lily nung may nakita sa likuran ko. Akmang tatayo na ito pero pinaupo sya ulit ni Clary.

"Huwag ka ngang OA, Ati Girl! Dito lang tayo. Sila Marco lang naman yan." Sabi ni Clary at bahagyang tinulak pa si Lily. Napalingon naman ako sa likuran at nakita ko nga sila Marco. Kumaway si Clarisse samin at tinuro yung table na nasa gilid lang namin.

"Gosh! Dyan pa talaga sila." Bulong ni Lily pero rinig naman namin ni Clary.

Humalakhak naman si Clary. Napangiti naman ako dahil sa reaction nya. Hindi ko alam kung ano ang problema nya kila Marco but there's something between them.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now