CHAPTER 27

3 0 0
                                    

IN THIS WORLD.

MILLICENT POV.
"Kasama sya sa honor nung high school. Tas kasama rin sya sa dean's lister. Akalain mo yon. Ang talino nya noh..." Sabi ni Marv na halatang patay na patay sa Nicholas na iyon. "Tas kasali sya sa varsity. Kasali rin sya sa glee club, photography club, art club at sports club." Tumango- tango ako kahit hindi naman ako interesado sa sinasabi nya.

"Ms. Creed!" Tawag sakin nung president ng Supreme Student Government or SSG for short. Ramdam ko ang paglalakad nya palapit sakin. Nilingon ko sya at tinaasan nang isang kilay. "Uh... Uhmm... May meeting tayong mga SSG officer after class." Sambit nya na parang kinakabahan pa sa akin ngunit hindi lang pinapahalata.

"K." Sabi ko sa kanya. Tumango naman sya bago umalis.

Vice President ako ng SSG Officer ng college. It's a dean choice. Every year pinapalitan yung SSG Officer ng college. Si Dean yung namimili kung sino yung mga mapapasali sa SSG Officer. Desisyon nya rin kung mananatili ba yon na Officer hanggang makagraduate sya or papalitan. Pero kadalasan pagmagaling mamuno nananatili at paghindi inaalis.

"Ibang klase ka rin noh... Pati yung SSG President naduduwag sayo. Ang gwapo nya pa naman. Yah so cool talaga!" Nangiting- ngiti na sabi ni Marv at pumalakpak pa talaga. Napailing na lang ako at inaayos ko na yung gamit ko. "Aalis na tayo?" Tanong nya nung mapansin ang pag aayos ko sa aking gamit.

"Ako. Aalis na." Sagot ko habang nag aayos.

"Huwag muna. Dito muna tayo." Napahinto ako at hinarap sya. Nagtaas ako nang kilay.

"You can stay here if you want to." Seryosong sambit ko.

"Ayoko. Gusto ko kasama kita." Sabi nya at tumingin sa harapan. Bumuntong hininga ako.

"Tapos na ako sa binabasa ko kaya ano pang gagawin ko rito at ibabalik ko pa sa library tong mga libro na hiniram ko." Sabi ko sa kanya at tinuro yung mga libro.

"Mamaya mo na ibalik yan. Sasamahan naman kita." Sabi nya habang pinapanood pa rin yung mga naglalaro. Humalakipkip ako at pinagmasdan sya na ngiting ngiti na pinapanood si Nicholas Adams.

"Ano pa ba kasing gagawin natin dito? Papanoodin sila?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Oo. Manood ka na lang din kasi. Look at them. They are so hot and handsome." Sabi nya. Tinignan ko naman sila Nicholas Adams. Habang pinapanood sila kita ko kung gaano sya kagaling sa pagsosoccer. Ang mga babae naman na nakaupo sa mga bleacher at todo sa pagchicheer na para bang kasali ang mga ito sa Olympics.

Pansin ko rin na kahit na pawisan itong si Nicholas Adams ay nangingibabaw pa rin ang kanyang kagwapuhan at para bang wala itong bahid na kahirapan—The Fvck! Ano ba ito mga pinagsasabi ko? Napailing na lang ako at tumayo na.

"I'm done with this, Marv. May kailangan pa akong gawin." Sabi ko at pinagpatuloy ang pag aayos ng gamit na syang aking ginagawa kanina.

"Ang KJ mo naman! Nag eenjoy ako pa ako sa view eh." Sabi nya at tinulungan na ako sa pag aayos. "Ang gwapo ni Nich noh?" Nakangiting bulong nya pa sakin. Napairap naman ako.

"Pumasok ka na nga lang sa klase mo." Sabi ko kay Marv habang inaayos ko yung mga gamit ko.

"Vacant namin ngayong hapon." Sagot nya naman sakin at kinuha nya yung hawak kong mga libro.

"Pumunta ka sa library at magbasa ng mga lesson nyo para naman magkalaman yang utak mo at hindi puro gwapong lalaki ang alam." Diretsong sabi ko sa kanya at nagsimula nang maglakad.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now